Wakas

3K 59 13
                                    

Last Author's Note:

 Hindi man ito ang inaasahan niyong ending ng story ko, this is the least I can do. What I mean is hindi naman talaga planado tong storyng 'to, if there are inconsistency na nakita niyo, sorry. Supposed to be one shot lang 'to pero naging ganito kahaba. LOL. Pero hope you like the flow of my story. And also I made this LAST author note for you to know na wala na pong book two 'to dahil wala nga po 'tong plot. Maybe yung susunod kong story mas BETTER dito. 

Thanks for the support!

~~~

Wakas:

“Friend! Bitin naman ‘yung story mo!” aniya sabay abot sa akin ng isang folder.

“Lina, sadyang ganon kapag writer dapat bitinin yung reader, para mas lalo silang mag look forward sa story mo.” Ani ko naman.

“Hay… sabihin mo bitter ka pa rin kay Nick!” ani naman niya.

Tumingin ako sa kanya ng diretso at tumigil kami sa pagbaba ng hagdanan. “Hindi ako bitter. Eh sa ayun ang binigay sa akin na concept, alangan naman magreklamo ako.” Ani ko.

“Pero may tanong ako, anong nangyari kay Naomi, Naomi?” aniya.

Muling bumalik sa akin kung ano ba talaga ang dapat mangyayari kay Naomi ng mga panahong gamuntik na siyang mabaril. Nang mga panahong gamuntik na akong magpakamatay dahil sa pagbreak sa akin ni Nick.

“NAOMI!” ani ni Nick at naramdaman ko na lang ang pagtulak nito sa akin.

Sa muling pagmulat ng mata ko nakita ko na lang si Nick na nakahandusay sa sahig ngunit wala siyang dugo kahit saang parte ng katawan niya.

Itinaas ko ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa harapan ko at nakaharang sa aming dalawa ni Nick. Nasa harapan ko si Suzy, ang kapatid ko. Hindi ako makagalaw at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga tubig sa mata ko.

“ANO?! Bakit ganun yung nangyari sa kapatid niya?!” aniya. “Bitter ka talaga, friend! Akalain mo ‘yun kapangalan pa ng ex-girlfriend ni Nick yung ate ni Naomi.”

“Hindi nga sabi ako bitter. Ilang beses ko bang uulitin sa’yo.” Ani ko.

“Okay. Okay. Continue the story…”

Halos mangatog ang tuhod ko habang tumatayo ako sa kina-uupuan ko at sinalo ang kapatid ko na may tama sa may dibdib. Tumulo ang luha ko sa kanyang puting gown na suot niya para sa birthday niya ngayon.

Tumingin ako sa relo kong suot.

“Ate, 20 ka na.” ani ko at pinilit na ngumiti habang natulo ang luha ko.

“I’m sorry, Angel. I’m really sorry.” Aniya.

Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko marahil ayokong sayangin ang laway ko, gusto ko lang siyang makita na nasa kandungan ko. Gusto ko lang siyang yakapin, at maramdaman na may kapatid ako.

Niyakap ko lang siya habang umiiyak ako at habang paparating na ang mga pulis. Niyakap ko lang siya habang nawawalan na siya ng hininga habang nasa kandungan ko ang sarili kong kapatid.

Pinilit akong patayuin ni Nick ngunit ayaw ko. Gusto ko pa siyang makasama kahit sa ganitong paraan man lang. Ayoko pang umalis kasama ang kapatid ko. Ayoko siyang iwanan pero hindi ako makaka-move forward kung hindi ko siya bibitawan.

Habang nasa morgue kami, pinigilan ko muna ang pagsara nila kumot sa mukha ng kapatid ko.

“I love you, Ate.” Bulong ko sa kanya.

“Hay… hindi ka nga bitter.” aniya.

“Sabi ko naman sa’yo hindi ako bitter.” Ani ko.

Ngumuso siya at humigop ng milk shake.

“Shi Nick!” aniya sabay turo sa may pintuan ng canteen.

Napalingon naman ako at nakita ko ang lalaking tinutukoy niya. Hindi pa rin siya nagbabago, mala-prince charming ang itsura niya. Ako ang prinsesa na kailangan ng tulong at siya naman ang prinsipe ko na tutulong sa akin at magiging knight in shining armor ko.

Masarap mangarap pero masaklap ang katotohanan.

Muli kong binaling ang atensyon ko sa kinakain kong salad. Kailangan kong bilisan ang pagkain ko kailangan ko pang mag-review sa next class ko may long quiz kami.

Hindi ko na naubos ang lettuce at agad na kinuha ang bag ko. Tumayo ako at handa na akong iwanan si Lina na nakatunganga, parang nagde-daydream na naman siya.

Sa pagtalikod ko halos patalon ako dahil sa biglang pagsulpot ni Nick sa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso at parang may ipanapahiwatig na sa akin ang mga mata niyang kulay itim at singkit.

Hindi ko maalis ang mata ko sa sarili niyang mata parang ngayon ko lang muling nakita ng ganito kalapit ang mata niya. Ngayon ko lang muling nakita siya ng ganito kalapit sa akin.

“Can we talk, Nam?”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya pero nagulat na lang ako sa boluntaryong pagtango ng ulo ko.

Hinigit na lamang niya ako palabas ng canteen at nakita ko ang pagvi-video ng ibang students sa buong canteen pati na rin sa paglabas ng canteen kung saan makikita ang isang banner.

‘GIVE ME SECOND CHANCE!’

Sabi nila ang pag-ibig raw parang Quiapo, maraming snatchers. Maraming pwedeng mang-snatch ng puso mo. Maaring hindi na nila ito ibalik pero once na may kumuha ng puso mo susundan mo na lang ito dahil na sa kanila ang isang parte ng sarili mo.

Kahit liparin ka man ng hangin palayo sa kanila, babalik at babalik ka pa rin.

Nakaluhod na siya sa akin ngayon at humihingin ng ikalawang pagkakataon para sa naudlot naming pagmamahalan.

In one game, you need to risk everything and I will risk everything just to get him. 

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon