[59] I'm here to kill you, Naomi

1.2K 36 0
                                    

Author's Note: 

Last One Chapter na lang po tapos na ito, alam ko na masyadong mabilis pero hindi ko na po kasi ito maasikaso dahil malapit na po ang semi's at final's namin sa magiging busy po ako pero sana po magustuhan niyo po ang wakas.

~~~

Chapter 59: I’m here to kill you, Naomi

[Naomi’s POV]

“Anong nangyari?” tanong ko kay Jasper.

“Nahimatay ka raw noong nasa ferris wheel ka, sabi niya baka raw sa takot mo sa heights kaya ka nahimatay.”

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Paano ako nadadala dito ni Nick? Diba galit sa kanya si Daddy? Hindi kaya may ginawa na naman si Daddy?

“Ayos lang ba siya?” nag-aalala kong tanong.

Napayuko siya dahil sa tanong ko. Jasper, may nangyari ba sa kanya? Jasper, please sabihin mo sa akin. “Okay lang siya. Medyo na suntok lang ni Dad sa mukha.”

“Ano?”

“Nakita ka kasi niyang walang kang malay kaya sinisi niya si Nick.”

I’m sorry, Nick. Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong magagawa kung magalit sa kanya si Daddy, alam niya na mali ang pagmamahalan namin, na mali na suklian ko ang pagmamahal niya, na mali ang pinanang puso ni Kupido, na mali rin si Tadhana.

Kasalanan ko ‘tong lahat. Kung siguro mas tinigasan ko pa ang puso ko sa kanya hindi mangyayari ang mga ganitong bagay, hindi masasaktan si Dad, hindi ako masasaktan at higit sa lahat hindi masasaktan si Nick.

“I’m sorry.”

Napaiyak na lang ako dahil sa lahat ng problemang dinadala ko sa kanila. Ayoko ng magdala pa ng kahit na anong sakit ng ulo sa kanila, alam kong pagod na sila sa lahat ng problema. Kung siguro mawawala na lang ako dito baka mawala na rin ang problema nila.

“Naomi, wala kang kasalan. Please, wag mong sisihin ang sarili mo.”

Pinatahan niya ako. Ito na naman ako, ang Naomi na walang magawang paraan para masolusyonan ang problema na iiyak na lang kapag hindi ko na kaya. Ang Naomi na kailangan palagi ng sandalan, na kailangan ng masisilungan.

“I’m sorry, Jasper…” ani ko. I’m sorry… NickPabulong kong sabi.

“Okay guys! Smile!” ani ng photographer.

Ni hindi ako makangiti sa lahat ng pictures kaya napagpasyahan ko na lang na tumahimik na lang sa isang tabi. Busy si Jasper para sa plano mamaya, kaya naiwan ako dito sa may table namin.

Malaking event hall ang pinagganapan ng party ni Suzy, masyadong engrade at maraming bisita. Hindi ko pa nakikita si Suzy pati na rin si Nick pero inaalis ko sa isipan ko na magkasama silang dalawa.

Air-conditioned ang lugar at halos lahat ay naka-maskara. Naa-out of place ako, dahil wala naman akong masyadong kilala dito, busy rin si Daddy sa pakikipag-usap sa mga magulang ni Suzy.

“Hi, Miss.” Pakilala sa akin ng isang lalaki. “Can I have this dance?” tanong niya sa akin.

Halos lahat kami naka-gown sa party na ito, masyadong formal ang suot ng lahat. Nakablue akong gown na fitted sa katawan ko na kinaayawan ko.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon