Chapter 5: And
[Suzy's POV]
Kakatapos lang ng klase namin ng makita ko si Nick sa labas. When I see him I see his dark, cold eyes that makes fall for him before until now. Bagay na bagay sa kanya ang maging isang Engineer. I really love him.
"Hon, tara let's eat" naglalakad na ako ng mapansin kong hindi siya sumusunod sa akin. I take glance at him and sign to him that he should come pero wala syang ginawa kundi ang tumayo lang doon at tingnan ako. What's wrong with him? Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko siya.
"Hon ayaw mo bang kumain? Wala ka bang gana?" umiling siya sa tanong ko. Ano bang problema niya? "Nick is there any problem?" tanong ko sa kanya. He looked at me coldly and that makes me shiver.
"Yes, there's a problem" sabi niya sa akin.
"Ano 'yun? Ayaw mo ba dito sa Philippines? Gusto mo bang bumalik sa U.S?"
"Let's Break Up," diretso at walang emosyon niyang sabi sa akin. I was taken aback from what he said. Nabibingi ba ako o nagbibiro lang siya pero sa klaseng tao ni Nick hindi niya kayang magbiro sa harap ng isang tao. Masyado niyang sineseryoso ang isang bagay pero naisip ko 'Sineryoso niya ba ako?' Kasi kung Oo bakit gusto niya kaming mag-break?
"What is the reason? Dahil ba kay Jasper? Alam mo naman na wala na kami diba? Ano bang problema?" tanong ko sa kanya. Tumingin ulit siya sa akin and for the second time para akong naninigas sa kinatatayuan niya ako.
"I don't love you..." masasakit na salita ang lumabas sa kissable lips ni Nick. Ang sakit pa lang sabihin sa'yo ng taong mahal mo na hindi ka niya mahal. Ngumiti ako ng mapait sa harapan niya.
"Nick, tara nasa canteen baka nandoon na si Jasper at si Naomi" tumalikod na ako sa kanya at nauna ng maglakad. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong isipin niya na mahina ako. Ayokong isipin niya na sa kabila ng pinagdaanan ko, ako si Suzy ay madaling masira. Hindi pa naman ako masyadong sira dahil sa isang relasyon kailangang mag-agree ang dalawang panig sa isang break up. Kung siya bumitaw ako kahit kailan hindi bibitaw natitira kong pag-aasa. Alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya at 'yun lang panghahawakan kong pag-asa.
[Naomi's POV]
Ang saya- saya ko!!! Yung mga nangyari kahapon super kilig talaga sana lang araw-araw nandito si Jasper, kaso nga lang hindi pwede kasi nga may Work sya well ako may work rin ako pero ang pinagkaiba namin mas matrabaho yung kanya kaysa yung sa akin. Isang kalahating araw palang ang nakakalipas pero Miss ko na kaagad siya. Dumaan ang buong araw nakikinig at nakikisagot ako sa lessons dahil inspired ako.
Curious pa rin ako sa LQ ng NiZy. Oh, Di ba?! Ang bilis kong mag-isip ng pangalan ng labtim. Pero I wish na sana magkabati na sila kasi ayokong makakita ng sad love story, sayang bagay na bagay pa naman sila.
"Ms. Gonzales, come here" nagulat naman ako sa tawag ni Maam Fuente. Napaka-init kasi ng dugo nito sa akin.
"Lagot ka Naomi,"
"Patay ka kay Maam"
"Anong ginawa mo?"
Ang OA naman nitong mga kaklase ko. Porket pinatawag lang may nagawa na kaagad na masam hindi ba puwedeng pupurihin lang ng teacher. Grabe! Napaka-judgemental! Nakakabad-trip eh..
"Ano po 'yun Maam?" tumingi siya sa akin at inilapag sa mesa ang dalawang patas ng mga folder. Teka, ito diba yung mga portfolio na pinagawa sa amin ni Maam? Wag niyong sabihin na ipapadal 'to sa akin ni Maam?
"Ms. Gonzales, I want you to organize all this portfolio chronologically in my office" Tao pa Maam! Bakit ako lang?! Lakas rin ng trip ah!! Pakiexplain nga kung anong connect ng pag-aayos nitong lecheng portfolio na ito sa kinuha kong Course?! "You will have a plus grade if did this LITTLE favor" bigla namang nanlaki ang mata ko. UY! Plus Grade daw. Naku! Mahilig ako di 'yan.
"Maam , nasaan po yung susi?" agad-agad na tanong ko kay Maam napangiti naman si Maam sa sinabi ko. Huling huli na niya ang mga kiliti ko.
***
Portfolio ni Lina... tiningnan ko yung score niya... well not bad. 89, okay na rin 'yon kaysa sa walang grade. Inorganize ko yung pportfolio ni Lina. Ano kayang grade ko dito? Hinanap ko yung akin... 0_o. Grabe!!! Totoo ba 'tong nakikita ko? 92!! Hindi ba dapat mababa ang grade ko. Naku! Wag na nga akong magrereklamo baka magbago pa ang isip ni Maam. Oks, na yan. UY! Portfolio ni Jasper. Grabe, lang ang linis ng gawa niya!! Parang hindi lalaki ang gumawa... tiningnan ko yung last page kung saan nakalagay yung grade... 0__0. TAO PA?! 96!! Ano 'to lokohan?! Ang taas ng grade niya... Ang lakas talaga ng appeal ng Jasper ko!!
"Huy!" Ay butiki!! Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to, parang kabute lang kung saan saan sumusulpot. "Ano namang ginagawa mo dito?!" pagalit kong tanong sa kanya. Sus! Inis pa rin ako sa lalaking 'to. Akalain mo ba naman hindi niya man lang kinomfort si Suzy. Sarap itapon sa Bermuda Triangle!!
"Anong ginagawa mo rito?" umupo rin siya sa sahig at tiningnan yung mga portfolio. Hindi ko siya sinagot... HMMMP!! bahala siya sa buhay niya!! Hindi ko siya papansinin... Iisipin ko para na lang siyang hangin. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Naku!! >__< Wag mo akong tingnan baka mag-frost ako dito.
"Wala ka bang balak kausapin ako?" Bahala ka sa buhay mo!! Magsalita ka dyan ng magsalita hindi kita papansinin!! Akala mo kung sinong gwapo?! Eh, hindi ka naman masyadong ka-gwapuhan!! "Fine, kaya kong maghintay hindi naman ako mainipin," EWAN KO SAYO!!!
Tinuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga portfolio. Trinidad... Soberano.... Pamplona... Pecho... Perez... Parducho... Konti na lang matatapos ko na 'to. Walang susuko kaya ko 'to. Alaxan FR!!! Carandang... Capalad... Pesa... 'Yan konti na lang.
"Hoy!! Hindi mo ba talaga ako papansinin?!" Ay!! Akala ko hindi ka iniipin?! Hahaha, ito naman!! Napaka-prentending Butiki!! Hahahahaha!!! Hindi raw siya mainiipin. Hindi kita lalo papansinin. Hahahaha!!! Bad Naomi: On.
Natapos ko na rin ang pag-aayos ng sandamakmak na portfolio na 'to. Makaalis na nga dito at iwanan 'tong butiking 'to. Kinapa ko sa bulsa ko kung nasaa 'yung susi. Teka, saan ko ba 'yun nilagay na bulsa? Ang epic, bakit hindi ko maalala? Nasaan ba 'yun sa kabilang bulsa o doon sa isa? Anla, bakit wala sa parehas na bulsa?! Naku! Patay ako kay Maam. Lumapit ako sa may pintuan. Pinihit ko yung door knob. Anla!! Bakit ayaw magbukas? Patay!! Sira nga pala 'tong pintuan na 'to!! Patay paano na 'to?!
***
A/N: Change character po.. feel ko po kasi mas bagay na si Ahn Jae-Hyun na suplado kaysa kay Nickhun. So si Nick po ay si Jae-Hyun tapos si Jasper po ay si Nickhun. Pwede pong mag-comment kung sino pa po yung bagay na character. Picture of Suzy (Miss A) in the media.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*