Chapter 45: Invited
[Crystal’s POV]
“Aunt, ano po bang ilalagay niyong gulay sa salad?” tanong ko kay Aunt.
“Bahala ka na. Ikaw na lang ang bumili ng mga gulay tapos ako na lang sa karne,” sabi niya habang naghahalungkat sa bag niya. “Oh, ito ang listahan ikaw na ang bahala,” tumango na lamang ako.
Tumingin ako sa paligid. Sobrang daming tao, mamaya na kasi ang pasko. Sigurado ako na busy rin si Ate ngayon kasama ang bago niyang pamilya. Ito ang unang pasko na hindi namin siya kasama. Ito rin ang unang pasko na sa halip nasa bahay ako at nagde-decorate, nandito ako sa masikip at maalinsalang palengke.
Huminga ako ng malalim para mawala ang lahat ng iniisip ko. Kailangan ko munang itigil ang pag-dadrama ko sa gitna ng palengke at mamili muna ng ingredients.
Hindi ako madalas dito. Kung bibilingan nga kung ilang beses na akong pumunta ng palengke hindi pa lalabis sa daliri ko. Tatlo. Tatlong beses pa lang at ito na ang pang-apat. Nakakainis kasi wala akong kakilala dito na tindera o tindero hindi tuloy ako makakatawad.
“Kamatis! Kamatis! Trenta lang ang kilo! Bili na kayo!” sigaw ng lalaki na tindero. Lumapit ako at tinuro ang kamatis.
“Kalhating kilo nga po,” sabi ko sa tindero.
“Ineng, artista ka ba? Bakit ka puti mo?” tanong niya. Ngumiti na lamang ako at iniabot ang bayad ko.
“Salamat po,” magalang kong sabi.
Nakakatuwa naman at pinuri ang kagandahan ko. Mabuti na lang at maganda ang mood ko at hindi ako nagyabang sa harap niya. Nakakapagtaka lang kasi pwede ditong pumasok ang mga sasakyan, ultimo tricycle, motor, pati na rin pala kotse.
Nakakainis naman kanina pa ako binabangga ng mga lalaki. Siguro dahil sa babae ako at alam nila na nawala akong laban. Nakakita ako ng shortcut papunta sa kalakalan ng bayan kung saan mas mura ang bilihin.
Pumasok ako sa maliit na eskinita. Sobrang liit lang nito pero kasya naman ako kasi sexy ako. Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa yapak na nadidinig ko mula sa likuran ko.
Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Nilingon ko ito at isang silhouette ng lalaki ang aking nakita. Kinabahan ako dahil baka kung anong gawin niya sa akin kaya tumakbo na ako.
Konti na lang makakalabas na ako sa eskinitang ito. Konting konti na lang. Isang liwanag ang nakita ko sa dulo noong eskinita. Nag-ala cheetah ako sa safari dahil sa bilis ng takbo ko. Nang makalabas ako ng eskinita nilingon ko kung may sumusunod pa sa akin, mabuti naman at walang na siya.
*Boogsh!*
Nabangga ko ang isang lalaki, gamuntik na akong magtaob mabuti na lang nahawakan niya ang braso ko. Ang init ng kamay niya at hindi siya amoy palengke. Unti-unti akong humiwalay sa kanya at nakita ko ang mukha niya.
“IKAW?!” sabay naming sabi.
“What a coincidence,” sabi niya.
Siya na naman ang lalaking manyak na umagaw ng first kiss ko sa elevator at gamuntik na ring kuhanin ang virginity ko mabuti na lang na sipa ko siya sa alaga niya.
“Isn’t this is called destiny?”
Destiny? Destiny ko mukha mo. Bakla siguro ‘to, may nalalaman pang destiny.
“Destiny? Hindi ‘to destiny, halata naman na sinadya mo akong banggain at hawakan ang braso ko,” sabi ko sa kanya.
“Hindi ko ‘yon sinasadya. Sadyang clumsy ka lang at nambabanga ka ng tao,” kontra niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*