Chapter 38: Night Changes
[Allina’s POV]
Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko talaga. Bakit? Bakit ko nagawa ‘to sa kaibigan ko?! Hindi dapat siya mapahamak.
Noong nasa bingit ako ng kamatayan niligtas niya ako at ngayon siya naman ang nasa bingit ng kamatayan hindi ko siya magawang iligtas. Bakit?
“Uminom ka muna,” sabi niya sa akin.
Tumingala ako para makita ang mukha niya. Kinuha ko ang bote ng tubig at inilagay ito sa gilid ng upuan.
“Sabi ko uminom ka. Hindi ko sinabing ipainom mo sa upuan.”
Ngayon ko lang napansin na natapon na pala ‘yung binigay niyang tubig. Ganito ba kapag lutang ang isip mo? Kahit ‘yung upuan pinapainom ko ng tubig. Ganito rin kaya ang mangyayari sa akin kung sakaling mag-drugs ako?
“Tingnan mo ‘yang pantalon mo. Para kang nag-ihi,” binato niya sa akin ang isang pantalon. “Oh, suotin mo. Magpalit ka sa CR,” dagdag niya pa.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto ni Friend. Kanina pa naming hinihintay si Friend gumising pero hindi pa rin siya namulat kahit nga humagok hindi pa rin. Ganon ba kapag nasasagasaan?
“Kamusta na siya?” tanong ni Nick sa akin noong makalabas ako.
Hindi siya pinapasok ni Crystal, mabuti na nga lang at pinapasok ako ni Aunt kung hindi baka magwala ako sa harap ng pinto ng kwarto ni friend tapos sinasabi ko pang “Papasukin niyo ako mahal ko siya,” Chos.
“Hindi pa rin siya nagising, Daddy Nick,” sabi ko sa kanya.
Naglakad na ulit ako papunta sa CR nitong public hospital. Dahil nga public hospital ito maraming nakakita ng basa kong pantalon.
“Umihi ba siya sa pantalon niya?” sabi ng isang babaeng ginawang oil pastel ang lipstick dahil sa kapal nito. Ate, sinong sumapak sa’yo?
“Ang laki-laki na napaihi pa ang batang iyon. Mga kabataan talaga,” sabi naman ni Lola na wala ng ngipin dahil siguro sa kakain ng chocolates. May sweet tooth pa palang lola kasi ‘yung lola ko binigyan ko ng chocolates pinakain lang sa aso niyang bulldog.
Nakarating na ako sa may CR. Pumunta ako sa isang cubicle at doon nagpalit.
Nakakatakot naman dito parang ‘yung mga nasa horror movies bigla na lang may susulpot na sadako sa may bowl tapos para mawala siya kailangan mong i-flush ‘yung toilet. Hahaha! Ano kayang itsura ni Sadako kapag basa?
“Nahanap mo ba?... Anong hindi pa?... Nababaliw ka na ba?... Kailangan na ‘yon ni Boss… Oo ngayon din… Oo alam ko ang dapat kong gawin sa kanya… Sige, ako na ang bahala sa kanya. Papatulugin ko na siya habang buhay.”
Nadinig ko ang isang babae na parang may kausap sa phone. Weird, para siyang killer sa mga action movie films na may hidden agenda or baka hired agent siya ng isang mayamang tao tapos may ipapatay sa kanyang assasin. OMG!!! Nagtataping ba? Nasaan si James?!
Lumabas ako ng pituan at nakita ko ang isang… isang… anghel?
“Waitress, sa isang cake shop na masasarap ang pagkain kaya naubos namin ‘yung inorder dati ni Friend at ng Papa niya na red velvet cake. Diba ikaw ‘yon?”
Ngumiti siya sa akin at saka lumapit.
“Ah… ako nga ‘yon,” sabi niya sabay ngiti kaya naman nag-create ng eye smile ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
