Chapter 23: The Antagonist's
[Naomi's POV]
"WHE!!!"
[Ang OA mo naman friend! Nanliligaw lang naman si Unggoy!]
"Pero Best bakit nagbago isip mo? Tsaka may isip ka na pala?"
[Gusto mo pumunta ako dyan at batukan ka. Alam ko na turtle ako pero wag mo namang isampal sa akin]
"Hehehe, ito naman joke lang 'yun. Pero kung sakaling tanungin ka niya, sasagutin mo ba?"
[Syempre... HINDI!!!]
"HA?! Ang sama mo talaga! Kapag ikaw na-inlove kay Leo. Tatawa ako ng malakas."
"Hoy! Kung gusto mong hindi kita putulan ng dila, tumahimik ka." napatingin naman ako kay Crys na busy sa pagbabasa ng libro. Sungit, kanina pa 'tong ganito. May galit ata sa lalaki kasi may 'Mens'tration. Gets nyo ba 'yun. Mens? O sige ako na ang corny. ~Funny funny funny funny. Very very very very.~
"Opo, pasensya na kamahalan." sabi ko sabay labas ng kwarto namin. Hindi pa nakakalapat ang pwet ko sa sofa bigla naman akong tinawag ni Aunt.
"Naomi! Pumunta ka dito at tulungan ako sa pagluluto. Maggayat ka ng pipino dine." sabi ni Aunt..
"Best, bukas na lang ako makikipagkwentuhan sayo sa office ha? Pinapagluto ako ni Aunt eh."
[O sige, babye friend.]
"O sige. Bye bye." binababa ko muna ang cellphone ko sa may maliit na table na nasa gitna nitong sala. Pumunta ako sa kusina at tumulong sa paghahanda ng pagkain. Sa katangahan ko minsan palagi na lang akong nahihiwa ng kutsilyo sa tuwing maggagayat ako ng pipino. Hindi naman mahirap gawin 'yon pero ewan ko at palagi kong inaraw araw ang pagiging tanga ko.
"Naomi, kamusta ang pagpasok?" Out of nowhere bigla na lang akong tinanong ni Aunt tungkol doon. Sanay na naman ako, alam niya kasi na scholar ako at kailangan kong i-maintain ang grades ko.
"Ayos lang naman po wala naman po akong bagsak. Straight A po pa rin." nakita kong tumango tango si Aunt. Pumunta siya sa may stove at ginisa na 'yung bawang at sibuyas.
"Naomi, may isa pa akong tanong sa'yo." sabi sa akin ni Aunt.
"Ano po 'yun?" tumingin sa akin si Aunt ng seryoso. Diretso siyang nakatingin sa mata ko.
"Paano kapag nakita na namin ang magulang mo? Payag ka ba kung babalik ka sa kanila? O mananatili ka dito?" Si Aunt talaga ang lakas mag-prank. Akala naman niya mahuhulog ako sa patibong niya.
"Sino po sina Mama at Papa? Syempre naman po babalik po ako sa probinsya. Namimi--" naputol ni Aunt ang sasabihin ko at bigla na lang tumaas ang balahibo ko ng bigla siyang nagsalita.
"Hindi sila ang tinutukoy ko. 'Yung mga tunay mong magulang. Paano kapag gusto ka nilang kuhanin papayag ka bang sumama sa kanila?" hindi ko kayang sagutin ang tanong ni Aunt. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo ko pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagagayat ng pipino.
"Ouch!" nahiwa ako ng kutsilyo. Sabi na nga ba eh dapat hindi inaaraw araw ang katangahan.
"Naku, ang batang ito. Halika dito at gagamutin kita." kumuha si Aunt ng bulak at nilagyan ng betadine ang sugat ko saka niya nilagyan ng band aid.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
Storie d'amorePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
