Chapter 11: Pwede ba kitang maging bf?
[Naomi's POV]
~Eto ako, init na init sa araw. Walang masisilungan. May sunburn pa. Sana'y may magpayong sa aking sensitive skin. Ang hapdi ng balat ko~ Jusko!! Bakit ang init ngayong araw na ito? Kasi naman si Nick dapat siya ang sinisisi ko eh!! Saan bang lupalop nagsusuot 'yung lalaking 'yun? Kanina lang nasa canteen 'yun kasama si Jasper ko.
Ang sakit na pati ng skin ko kasi nasusunog na dahil sa paghahanap ko kay Nick kabute (kasi bigla siyang susulpot tapos mawawala). Tingin to the left. Tingin to the right. Peste!! Ang peste ng lamok dumadapo sa skin ko!!! Nasaan ba kasi si Nick? Pagbabatiin ko pa sila ni Suzy!!
"Naomi,"
"Lamok!!" bigla na lang akong napasigaw dahil may biglang sumundot sa tagiliran ko. Nakita ko naman si Leo na tuwang tuwa sa ginawa niya. Siya nga pala 'yung manliligaw ng bestprend ko. Oh diba sosyal ni Lina may suitor!! Kaso nga lang ang tanga rin ng babaeng 'yon!! Ang gwapo gwapo kaya ni Leo ayaw niya pa sagutin.
"Lamok na ba ako sa paningin mo, Naomi?" Anla!! Sinapian si Leo. Anyare bakit parang ang saya niya ata ngayon? Naka-drugs... drugs ng charisma ni Lina. Ayiee!! Mga naiisip ko. Pakibatukan nga ako.
"Hindi,ah. Ang dami kasing lamok dito sa likod ng building," sabi ko sabay hampas sa lamok na pinapapak ang dugo ko. Mamaya makapunta sa clinic baka low blood na pala ako hindi ko alam. Kanina pa ako pinapapak ng lamok. Anong akala nila sa akin... laruan na pagkatapos pagsawaan eh ibibigay sa iba?!
"Eh, Bakit ka ba nandito sa likod ng building?" Bakit nga ba ako nasa likod ng building? Ay!! Shunga lang tanungin ang sarili.
"Hinahanap ko kasi si Nick," tumango siya tapos saka niya sinabing...
"Siya ba 'yung bagong transferee, 'yung gwapo. Nakita ko siya kanina kasama 'yung magandang babae." Nako!! Hulog talaga ng langit itong si Leo. Irereto kita kay best!!
"Talaga!! Saan sila pumunta?" tanong ko sa kanya. Tinuro niya 'yung rooftop.
"Thank you, Leo. Hayaan mo irereto kita kay, Best" sabi ko sa kanya tapos pumunta na ako sa rooftop.
Pagdating ko sa rooftop nakita kong bukas 'yung pintuan. Sinilip ko muna kung nandoon si Nick. Nandon nga siya tapos nakahiga. Tiningnan ko rin kung nandoon 'yung tinutukoy na magandang babae ni Leo. Wala naman akong makitang magandang babae kaya dahan dahan akong pumunta papalapit sa kanya. Sa paglapit ko, nakita ko siya natutulog.
Mas lalo akong lumapit sa kanya, at tiningnan ang bawat parts ng face niya. Matangos na ilong, kissable lips, ang brows niyang medyo makapal at ang mata niyang medyo singkit. Haay.. ang gwapo niya sa totoo lang. Alam niyo ba nung na-lock kami sa office hindi ako mapakali kasi kasama ko siya. Ewan ko siguro gawa 'yun nung una naming pagkikita hindi kasi ganon kaganda kaya siguro hindi ako mapakali. Hahawakan ko sana 'yung bridge ng nose niya kaso nga lang bigla niyang nahablot 'yung kamay ko..
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Grabe ang bilis ng reflexs nito... Napalunok ako ng bigla niyang minulat ang mata niya. Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Hindi ako makahinga. "Pinagnanasaan mo ako 'no?" binawi ko 'yung kamay ko tapos bigla akong tumayo.
"Hoy!! Ang kapal ng feslaks mo!! Anong pinagnanasaan? Isa lang pinagnanasaan ko at hindi ikaw 'yon!!" nakapameywang pa ako ng sinabi ko 'yan sa kanya. Tumayo siya at napatingala naman ako. Ang tangkad niya. Nakakahiya sa height ko.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*