Yesterday no'ng pauwi ako ay may nakita akong letter sa locker ko pero 'di ko binuksan at inilagay ko na lang sa basurahan. Alam kong puro walang kwenta lang ang laman no'n. Pero ngayon may letter na naman. Hapon na kaya nakakasira ng mood. Kinuha ko iyon at inilagay ulit sa basurahan. Isinarado ko ang locker ko pagkatapos kong ilagay ang libro ko.
Naglakad na ako palabas ng gate ng school ng may humarang sa 'kin na lalaki. He's familiar pero wala akong oras mag-isip kaya lalampasan ko na sana siya ng may humarang na naman sa dadaanan ko. Hinarap ko ang lalaking unang humarang sa 'kin. Sinuri ko ang mukha niya at kinilala ng maigi.
"Remember me, Miss Acosta?" Ngisi niya.
Habang tinitingnan ko siya ay may naalala ako. Alam ko na! Ito 'yong bulong ng bulong kay Mr. Grumpy kahapon. Ano naman kayang kailangan nito sa 'kin?
"Well, well, well. I finally found you, Miss Teacher."
Lumingon ako sa likuran ko at tama nga ako. Si Mr. Grumpy nga ang nagsalita. Ganoon ba niya kagustong makasagutan ulit ako at hinanap pa talaga ako?
"Anong paandar 'to, Mr. Grumpy?" tanong ko na sinabayan ko pa ng buntong-hininga.
Ngumisi siya at tinanguan ang lalaking nasa likod ko. Mabilis ako nitong hinawakan sa mga braso. Tumulong na rin ang isa pang humarang sa 'kin kanina. Hindi na ako nagpumiglas. Bakit pa? Eh, hawak na ako. 'Di hamak na mas malakas sila kaya kapag nagpumiglas ako, masasaktan lang ako. Marami ang nakatingin sa 'min. Syempre nasa gate kami. Daanan ng mga estudyante pauwi.
Gusto ata maging sikat ni Mr. Grumpy.
"Where did you hide yesterday and earlier? I find you but I didn't see you."
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Hinanap niya ako? Para ano? Para ganituhin? Para makipag-away? Para makipag-sagutan ulit? Napaka immature, ha.
"Sana tinanong mo na ako kahapon no'ng nasa classroom niyo pa ako. Nahirapan ka pa tuloy sa paghahanap sa 'kin." Ngisi ko. "Anyway, kapag break nasa library lang ako lagi at nagbabasa."
Hindi na ako sumigaw o kung ano pa. Ano namang mapapala ko kung sisigaw at magdadabog o babarahin ko siya? Wala. Kaya mas mabuti pang umaktong normal. I don't believe he can hurt me here. We're in the gate of our school after all. At saka mukhang wala naman sa mukha niya ang pagiging bayolente.
Hindi ko lang sure kasi minsan nga kahit gwapo at mukhang inosente nakukuhang mang-rape. Ito pa kaya na gwapo nga't mukhang well mannered pero ito't hinarangan ako.
"Okay. Let her go. Bukas na natin siya guluhin." Ngisi nito at prenteng naglakad paalis.
Binitawan ako noong dalawang kasama niya at sumunod sa kanya. Aso lang? At saka ano daw? Bukas nila ako guguluhin? As if. Umuwi na lang ako sa bahay namin na parang walang nangyari. Well, parang wala naman talaga 'yon. Mas malala pa ang nangyayari sa 'kin doon araw-araw noon.
May minsan pa nga dati na nilock ako sa cr at tinapunan ako ng pintura. Kaya 'yong hawakan lang ako ay walang-wala sa 'kin. Pumasok ako sa bahay namin walang katao-tao maliban sa 'kin. Wala na kasi ang parents ko. They both died a year ago due to car accident. Mayaman kami dati but because of the death of my parents, lumubog kami bigla. Nawala lahat. Ang kompanya namin ay inagaw ng tito ko--kapatid ni papa.
Itong bahay na lang ang natitira sa 'kin. Wala rin akong katulong kasi ano ang ipapa sweldo ko? Hirap nga ako sa pang araw-araw ko. Mabuti na lang binibigyan ako ng pera ng tita ko---kapatid ni mama. Initsa ko ang bag ko sa sofa at humiga sa sahig. Ganito ako sa nakalipas na isang taon.
Pag-uwi ng bahay higa sa sahig dahil wala namang magagalit kasi wala na akong kasama rito.
Nakasanayan ko na rin na hindi kumain ng hapunan at agahan. Kumakain lang ako kapag lunch na. Hindi kasi ako marunong magluto. Habang sa school bibili ka lang ng kakainin mo pero rito sa bahay ako talaga ang magluluto kaya di ako kumakain kasi 'di ako marunong magluto. Sad, right? Sad life talaga.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...