Kabanata 30

436 14 0
                                    


Gaya nga nang sabi ni Mrs. Gailez ay siya nga ang sumama sa 'kin para magbihis. Dinala niya ako sa kwarto niya at pinaupo sa kama habang siya ang namimili ng susuotin ko.

At namimili siya sa mga damitan niya. Hindi na raw kasya sa kaniya kaya ipapasuot niya sa 'kin dahil wala raw akong damit na dala. Oo, masyado kasi akong naging tanga at nakalimutang umuwi muna para kumuha ng damit.

"Ito? Do you like this?" tanong niya sabay pakita sa 'kin ng isang dress.

I like the dress pero hindi siya pang bahay. Pang party siya.

"H-Hindi po 'yan pambahay, e." Kamot sa batok na sagot ko.

"Oh, silly." Tawa niya. "It's okay. I know you'll be gorgeous when you wear this."

"Ah, hehe," tanging reaksiyon ko, nahihiyang tumanggi.

"Fine. Fine. 'Wag na 'to." Halakhak niya at namili ulit.

Akala ko mahihirapan pa akong tanggihan 'yon mabuti na lang at nakuha niya agad ang ibig sabihin ng pagtawa ko ng peke.

Mabait si Mrs. Gailez at ganoon rin naman ang asawa niya kaya hindi nakakapagtaka na nagtagal ang relasyon nila at kahit matanda pa sila ay masaya pa rin because they vibe.

"How 'bout this one, honey?" Ipinakita niya sa 'kin ang isang dress na ganoon pa rin, hindi pa rin pambahay.

"Ah, ano po kasi, wala po ba kayong lumang damit? 'Yong gusot-gusot na po? Masyado po kasing elegante ang mga binibigay niyo sa 'kin," nahihiyang ani ko at umiwas ng tingin.

"What gusot-gusot? You do not deserve to wear those," agad na reklamo niya.

"P-Pe---"

"Jeah, honey..." Naglakad siya palapit sa 'kin dala ang damit na pinakita niya.

Tumabi siya sa 'kin at malumanay na ngumiti.

"I like you simple but it won't hurt if you'll try these kind of clothes," aniya.

Ngumiti ako dahil nakuha ko naman ang punto niya but isn't it awkward to wear a dress for a party in sleeping? I mean, that very uncomfortable.

"Naiintindihan ko po at ayoko rin po sana kayong suwayin pero napaka-uncomfortable po kasi ng dress isuot, e matutulog na naman po ako papunta." Pagsasabi ko ng totoo.

Ngumiti siya at tumango. "I really like you being vocal. Ipagpatuloy mo 'yan."

Nahihiyang ngumiti ako at bahagyang kinamot ang ulo ko.

After niya akong hanapan ng damit na napunta sa pantulog which I really like ay naligo muna ako. Nauna siyang bumaba at maghahanda pa raw siya ng hapunan.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng damit na pantulog. Alam kong kay Quiah ang pantulog na 'to kasi magkasing bango. Iba ang pabango ng Mommy at Daddy niya, iba rin sa kaniya.

Sobrang laki sa 'kin ng pantulog na ito pero hindi ko na pinansin at bumaba na lang. Kinakabahan ako at baka rito na ako gigisahin.

Nasa sala sila naghihintay sa 'kin. Pagkarating ko sa harap nila ay nahihiya akong nagbaba ng tingin.

"Pfft."

Napataas ako ng tingin ng marinig ko si Quiah na natatawa. Tiningnan ko siya at umiwas siya ng tingin para pigilan ang tawa niya.

"Bagay sa 'yo ang pantulog ni Quiah, hija." Ngiti ng Daddy ni Quiah.

" I highly agree." Tili ng Mommy ni Quiah naman.

Bahagya lang akong ngumiti sa kanila. Tiningnan ko ulit si Quiah kaya napasunod sa 'kin ng tingin ang parents niya.

"What so funny, Quiah?" striktong tanong ng Mommy niya.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon