Gia made me stay sa bahay nang Ate niya dahil alsm niyang wala akong matutuluyan.
Ayokong umuwi sa bahay ko dahil baka nandoon si Jehanee. Kinuha niya ang gamit ko sa bahay ni Quiah.
"Thanks." Ngiti ko sa kaniya pagkatapos niya iitsa ang bag ko sa kama.
"No worries." Ngiti rin niya at umupo sa gilid nang kama.
Hindi na raw talaga umuuwi ang Ate niya sa bahay na 'to at nasasayangan siya kaya imbis na sa mansion niya siya umuwi, rito na. Mas refreshing pa raw dito kesa sa mansion nila.
"Teka, walang tao sa bahay niyo ni Quiah, ah? Where is he?" bigla ay tanong niya.
Kumunot ang noo ko at kinabahan. "A-Anong wala?"
Tumingin siya sa 'kin at umiling, senyas na hindi rin niya alam. Mabilis na kumabog nang mabilis ang puso ko. He can't be missing.
Kinuha ko kaagaad ang cellphone ko at tinawagan ang parents niya. Sana nasa kanila si Quiah.
"Hello, Jeah?"
"Tita, is Quiah in there? Nariyan ba siya?" bungad ko sa Mommy niya.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga sa kabila habang ako ugagang naghintay nang sagot mula sa kaniya.
"He's here. He's kinda drunk but he's okay."
"Po?" gulat na tanong ko.
Bakit lasing siya? Naglasing ba siya?
"But as I said, Jeah, he's okay."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
This is not good but what can I do? We're done. Finished na.
"S-Sige po," paalam ko at ibinaba ang tawag.
"Mukha kang malungkot, Jeah. 'Wag ganiyan. Wala na kayo kaya kahit anong gawin niya sa buhay niya, labas ka na."
Mabilis kong sinamaan nang tingin. Kung hindi lang ako tinulungan nito kanina hanggang ngayon, hindi ako magtitios sa ugali nito ngayon.
"You can not just expect me to let Quiah do what he want's. Yes, we are now separated but that doesn't mean I'll stop loving him, too," ani ko na may halong inis.
"Whatever." Irap niya at tumayo na. "Be okay here. I' just go to my room."
Lumabas na siya nang kwarto na pinahiram niya muna sa 'kin. Humiga muna ako sa kama at bumuntong hininga. Sana okay lang si Quiah. At sana kayanin ko ngayong wala na kami. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakaiisip kay Quiah at nagising na lang ako nang gisingin ako ni Gia for dinner.
At bumaba rin naman siya pagkatapos.
Mabilis akong tumayo at naligo at nagbihis. Bumaba agad ako pagkatapos kung maligo. Naabutan ko siya sa dining area na nagc-cellphone, hinihintay yata ako. Tumikhim ako para malaman niya narito na ako.
Nag-angAT siya nang tingin sa 'kin at bahagyang ngumiwi. What's her problem?
"Pasukan na naman bukas," aniya.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...