Halos mahimatay ako nang makitang malapit na malapit na sa kaniya ang truck.
"Quiah!"
Lumingon siya sa 'kin at ngumiti.
"Quiah, may sasakyan!" sigaw ko sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko nang hinarap pa niya ang truck. Biglang tumigil ang truck isang dipa na lang ang layo sa kaniya. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya na naiiyak.
Hindi ko alam kung laro ito o nagkataong tumigil lang ang sasakyan pagkaharao niya. Mabilis ko siyang niyakap pagkalapit ko sa kaniya.
"Baliw ka na," singhal ko sa kaniya.
Tumawa lang siya kaya mas lalo akong nainis. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya.
"Baliw ka ngang talaga, Quiah. Baliw na baliw ka na," hikbi ko.
"Shh. Hindi ako mamamatay." Tawa niya.
Hinampas ko ang likod niya. Hindi natutuwa. Wala akong pakialam kong nakatingin sa 'min ang lahat ng tao sa labas ng simbahan at lahat ng mga bumibili ng pagkain.
"Shh. Eveyone's watching you. 'Wag ka na umiyak." Halakhak pa rin niya.
Ngumuso ako at dahan-dahang kumalas sa yakap sa kaniya.
"Masayang-masaya kang ginaganyan mo 'ko, 'no? Masayang-masayag ka na umiiyak ako dahil sa 'yo, 'no? Wala, e. Kasiyahan mo 'y----"
Natigil ako sa pagsasalita at pagr-rant nang biglang lumapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko pero kasabay nang pag galaw ng labi niya ay ang pagsabog nang kung ano sa truck. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang pumutok sa truck.
Lumipad mula doon ang napakaraming balloon na at lumipad patungo sa itaas. Humiwalay si Quiah sa halik kaya napaayos ako ng tayo at na focus ang tingin sa mga balloon ma sobrang dami na ngayon sa langit.
"You like it?"
Napatingin ako kay Quiah at sinamaan siya ng tingin.
"Muntik na akong mahimatay na baka masagasaan ka pero may plano ka pala. Sana sinabi mo na para hindi na ako nag react nang ganoon."
Tumawa siya at nagtaas ng tingin sa mga balloons. "How can you call that a surprise then, hon?"
Napangiti ako at tumingin sa langit. Akala ko mga balloons lang 'yon pero nagulat ako nang makitang nagsisimula nang lumabas ang mga balloons na may dalang tig-isang bulakbalak. Kaya pala ang laki ng truck. Marami pala ang laman.
Hinawakan ni Quiah ang bewang ko kaya napatingin ako sa paligid baka may nakatingin sa 'min at napahinga ako ng maluwag nang makitang nasa mga balloons na may dalang bulakbalak ang paningin nilang lahat. Pati na rin ang mga magulang ni Quiah. Namamangha silang lahat sa mga balloons at ako rin naman.
"Sa itaas ang mata, hon." Tawa ni Quiah.
Napanguso ako at sumunod na rin sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makitang may dalawang grupo ng malalaking balloons. Hinintay kong lumabas ang iba pang kasama nito pero wala na, instead I saw a tarpaulin.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...