Kabanata 45

399 13 0
                                    


Nababaliw na si Quiah. 'Yan lang ang masasabi ko. Makikipag-usap lang kailangan pang dalhin ako gilid nang swimming pool.

Gusto yatang matulak kapag ginalit niya ako.

"Now, let's talk," aniya at nang mapaupo na ako sa upuan sa gilid nang swimming pool.

Tumango ako at tumikhim, naghahanda na sa pag-uusap.

"Mag-usap na tayo dahil inaantok pa ako," ani ko.

Tumango siya. "Jeah," seryosong tawag niya sa pangalan ko.

"Oh?" sagot ko naman nang seryoso.

"Hon, bumalik ka na sa 'kin. Nami-miss na kita. I missed your hugs and your scent. Everything about you. Magpapakabait na talaga ako. Hindi na ako magpapasaw--"

"Teka. Teka!" Itinaas ko ang kamay ko sa harap niya para patigilin siya sa pagsasalita nang mabilis.

"Ano? Babalik ka na sa 'kin?" Nakangiting tanong niya kaagad.

Ngumiwi naman ako. Naintindihan ko naman 'yong sinabi niya ngayon-ngayon lang kahit mabilis 'yon pero ang hindi ko maintindihan ay bakit pinipilit niya pa?

Oo, wala na sila pero wala na rin kami. Nauna pa nga kami sa kanila.

"Quiah..." mahinang utas ko sa pangalan niya. "Hindi naman dahil wala na kayo ni Cheri ay magkakaroon na ng tayo. Oo nga't magkahiwalay na kayo pero alalahanin mong wala na rin tayo. Mas mauna pa nga tayo sa inyo at ang mga bagay na ganito hindi dapat natin pinipilit."

Ayaw kong tumingin sa mga mata niyang ngayon ay nasaskatan na pero kailangan ko. Ayokong takasan ang sakit na naidulot ko sa kaniya sa mga salita ko ngayon-ngayon lang.

"J-Jeah, magbabago n-na---"

"Before, you used to tell me that I shouldn't change for others but for myself then why are you going to change for me? Nag-iba na ba ang pananaw mo sa buh---"

"Kung para sa 'yo, bakit hindi?"

Natahimik ako sa gulat. Lumakas na naman bigla ang tibok nang puso ko. Pero hindi sa saya kundi sa sakit.

"If that's the only way for you to come back to me then I'll gladly do it, Jeah!"  sigaw niya sa 'kin.

"But that's not what I want! What I want is for you to be you kasi kahit ano pang gawin at sabihin mo, wala na talaga. Hindi na pwede!" puno nang hinanakit na sigaw ko sa kaniya.

He was taken aback by my sudden burst out and I saw pain crossed in his eyes but I need to do this. Tapos na ako sa pagiging marupok.

"Quiah, kahit ano pang gawin mo, hindi na tayo mababalik pa sa dati. Natapos na tayo at mananatili tayong tapos. We caused too much pain in each others life, Quiah. Dapat sa oras na 'to malinaw na sa 'yo na baka hindi talaga tayo para sa isa't-isa sa dami nang harang, hinahanarang at patuloy na humaharang sa 'tin." Pinahid ko ang luha ko. "Q-Quiah, we should stop."

Tumayo ako at dala ang masakit at mabigat na damdamin ay pumasok sa bahay.

I cannot afford to see his eyes that full of pain. I cannot afford to see him break infront of me.

Just a while ago, I felt overwhelmed by his presence. But now, I just broke his heart together with mine.

"S-Sorry." Bulong ko sa hangin at humagulgol sa likod nang pintuan.

Ang sakit. Ang sakit-sakit makita siyang nahihirapan sa harap ko. We're too young to experience this but I understand since Love doesn't based on the age of a person.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon