Kabanata 63

296 10 0
                                    


Matagal bago kami nakatulog ni Quiah. Puro kami kulitan at asaran. Walang nangyayaring seryoso ng gabing 'yon.

Pero nang sumapit ang umaga ay maaga akong nagising dahil sa ubo ni Quiah.

"Quiah!" tarantang tawag ko.

Mabilis akong umupo sa kama para damayan siya at haplusin ang likuran niya. Nang hindi sinasadyang madampian ng kamay ko ang leeg niya.

"Ang init mo," bulalas ko.

Ang planong paghaplos ko ay hindi na antuloya t mabilis akong bumaba sa kama.

"Halika na, dadalhin kita sa hospital," ani ko at inalalayan siya pero nagmamatigas na naman.

" N-No. I'm o-okay..." Iling niya at bumalik sa pagkakahiga.

"Quiah!" sigaw ko. "Hindi ngayon ang oras para magmatigas."

Natataranta at kinakabahan na nga ako pero nagmamatigas pa rin siya. Hindi ko na talaga alam sa kaniya.

"I-I'm o—"

Hindi ko siya pinatapos at mabilis akong tumakbo pababa. Iniwan siya roon.

"Tita!" sigaw ko.

"In here."

Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina.

"Tita, si Quiah nilalagnat pero ayaw magpadala sa hospital," natatarantang sumbong ko.

"What?" gulat na aniya at itinigil ang pagb-bake.

"O-Opo."

Mabilis siyang naglakad palabas ng kusina habang may nagt-type sa phone niya.

"Go back upstairs, Jeah. Bantayan mo si Quiah at tatawagan ko lang ang Doctor."

Mabilis akong tumango. Pilit pinapakita ni Tita na hindi siya apektado but her action says otherwise. Nanginginig pa nga.

Bumalik ako sa kama at kinumutan si Quiah na ngayonal ay nakapikit na ang mga mata at nanginginig. Pinatay ko ang aircon at inayos ng mabuti ang kumot.

"J-Jeah," nakapikit na tawag niya sa pangalan ko.

"Hm? I'm here. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Tumango siya. Natatakot ako sa bawat segundong dumadaan dahil namumutla na siya. Mabuti at hindi nagtagal ay dumating rin ang doctor.

Pinalabas kami ni ng Mommy ni Quiah dahil c-check-upin daw si Quiah. Hindi ko alam bakit kailangan pa kaming palabasin pero sumunod na rin ako dahil mas importante sa akin ngayon ang kalagayan ng mahal ko.

Nagpaulan kasi kami kagabi kaya siguro nilagnat at giniginaw siya ngayon. Inuubo rin.

"Relax, Jeah." Ngiti ni Tita pero halata naman ang kava sa mukha niya.

"Okay lang po kaya si Quiah? Will he be okay? Malala po ba ang lagnat niya?" natatarantang tanong ko.

Pabalik-balik ako sa paroon at parito ang tinatahak kong daan sa labas ng kwarto ni Quiah. Hindi ako matatahimik hangga't hindi lumalabas ang doctor.

"He'll be fine. My son is strong," aniya na mukhang pati sarili ay pinapaniwala.

Though, my man is really strong and I know that pero nag-aalala pa rin ako. Kapag may nangyari sa kaniya na hindi maganda, sisisihin ko talaga sarili ko ng sobra.

Buti at lumabas rin agad ang Doctor na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

"Kamusta po si Quiah, Doc? Ano pong sakit niya? Ano pong mga kailangan niyang inumin? Vitamins po? Ah, gamot po?"

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon