Kabanata 13

795 19 0
                                    


Sa sobrang tagal naming natulog ni Quiah sa pagkukwentuhan kagabi, kung hindi niya ako ginising kaninang umaga siguro tulog pa rin ako ngayon. Bakit kasi napakadaldal namin pareho? Kung ano-ano lang nasa isip ma pa bagay o hayop o tao, pinag-uusapan namin.

Nag text si Jehanee na nandiyan na raw siya sa labas naghihintay sa 'kin. Sobra tuloy akong nagmadali sa pag-aayos para sa school.

"I need to go, Quiah," paalam ko at isinukbit ang bag ko sa balikat.

"Okay. You take care, hon." Ngiti niya.

"Hmm." Tango ko. "Ikaw rin. Magpagaling ka ng todo."

Ngumuso siya na parang bata kaya natawa ako. Ang cute sana at ang sarap pisilin kaso wala na akong time para sa ganiyan ngayon. Tumaliko na ako at aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Wait."

Nilingon ko siya ng kunot ang noo ko. Nagmamamdali na kasi talaga ako kasi ayokong ma late pero 'tong si Quiah mukhang gusto pa atang landiin ako.

"Bakit?" tanong ko nang hindi niya makuha ako pagkunit ng noo ko.

"Hindi ka man lang ba magki-kiss sa 'kin? Good bye kiss." Nguso niya.

Nagulat sa biglaang tanong niya kasi hindi naman siya sa gano'n sa 'kin pero tinawa ko na lang ang pagka bigla ko.

"Sus! Naglalambing ang batang si Quiah." Tawa ko.

Kinakabahan may ay mabilis akong lumapit ako sa kaniya at walang pag alinlangan hinalikan siya sa pisngi bago lumabas at pinuntahan si Jehanee. Ngingiti-ngiti pa ako ng pasakay na ako sa kotse niya.

"Hmm. Masaya ka?" puna niya sa 'kin agad.

"Hindi. Ang lungkot ko nga, e." Irap ko sa pang-aasar na naman niya, ang aga-aga.

Nakangiti na nga 'di ba? Syempre masaya ako. Masaya akong naka kwentuhan ko siya kagabi ng walang awkwardness sa pagitan namin. Masaya akong nakasama ko siya kasi dahil doon mas nakilala ko pa siya bilang siya.

"Sinunod mo ba ang payo ko?" kapagkuwa'y tanong niya na labis nagpakunot sa noo ko.

Binigyan ko siya ng makahulugang tingin na sinasabing anong ibig niyang sabihin. Nang hindi siya magsalita ay tinanong ko na talaga.

"May pinayo ka ba? Wala akong maalala."

"'Yong alagaan ang pasyente--"

Mabilis ko siyang hinampas sa braso ng maalala ko na nga ang pinayo niya kagabi bago ako pumasok sa hospital. Tinawanan niya lang ang ginawa ko. Lubos ata siyang nasisiyahan sa pang-aasar sa 'kin. Tawang-tawa siya sa payo niya.

"Pero seryoso bakit masaya ka ata akala ko ba galit sa kaniya?"

"Hindi na ngayon." Nguso ko.

"Nice to hear that." Ngumiti siya ng totoo. "Alam mo kahit 'di ko pa nakikita 'yang si Mr. Grumpy ng buhay mo duda kong mabait siya. Instinct kumbaga."

Tumango-tango ako. Mabait naman talaga ang mokong na 'yon kaya 'di ko alam kung bakit ako nagalit sa kanya agad without hearing his explanations before. Gano'n ba 'ko ka selfish para 'di man lang pakinggan ang paliwanag niya? Ganoon na ba ako ka walang puso para magalit agad sa kaniya?

"Couzie, gusto mo na ba si Mr. Grumpy?"

Nabigla ako sa tanong ni Jehanee at hindi ako nakapagsalita. Why so sudden of asking? At Ano namang isasagot ko? Hindi? Kung hindi, bakit pinuntahan ko siya kagabi? At kung oo, ewan ko. 

Hindi ko pa naman kasi alam ang feeling ng magkagusto. Oo nga't sinabi kong baka gusto ko si Jeiro pero bakit 'di ko siya laging iniisip? E, sabi ni Mommy dati na kapag daw lagi mong iniisip ang isang lalaki ay may gusto ka raw do'n. Ewan ko kay Mommy kasi siya kay sabi no'n.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon