Kabanata 60

358 10 0
                                    


Mabilis dumaan ang mga araw at magt-tatlong linggo na kami rito kina Tita. Still, gano'n pa rin lagi ang nakikita ko kay Tita.

Hindi pa rin siya nagiging okay kahit kaunti. She cries at night them smile at us when it's day light. Nakakalungkot rin isipin na nagkakaganoon pa rin si Tita.

But of course, hindi ko siya mapipilit dahil kahit ako, gano'n rin ang nadarama. Pero ngayon, kahit ayaw namin ay iniwan muna namin ang mga bata sa mga maids ni Tita dahil mag-uusap ang lahat kasama si Tita tungkol sa kasal namin ni Quiah.

May ngiti sa labi ni Tita pero alam kong hindi pa talaga siya okay. Ayoko na nga sana siyang isama pero ang pangit naman no'n dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko.

"So? When's the wedding?" direktang tanong ni Tita.

Jeiro's here too. Inimbita rin ni Quiah at baka raw may suggestion. Pero wala rin dahil nakatulala lang siya roon sa upuan niya. Pinaglalaruan ang baso na may lamang tubig sa harap niya.

Tumikhim si Quiah at tumingin sa 'kin. Ni minsan hindi pa namin 'to napag-usapan ni Quiah. He never opened up or even tried to talk with me about this.

Kaya naninibago ako sa tinginn niya ngayon. It's like he's asking my permission to say a thing kahit wala naman talaga kaming naging usapan.

"I cannot wait any longer, Tita. I want to marry Jeah next month."

Natigil ako sa akmang paggalaw ko dahil sa sinabi ni Quiah. Napaawang ang bibig ko at dahan-dahang nilingon si Quiah.

Tutok pa rin siya sa pamilya niya at kay Tita.

"I know, I know." Tango niya kahit wala namang naglakad loob na magsalita. Parang alam niya lang ang nasa isip ng mga ito.

"Isn't it too early?" Kunot noong tanong ni Tita.

"I agree. Masiyadong maiksi ang isang buwan for preparations sa kasal niyo, Quiah. Marami pa 'yang gagawin, planuhin at tingnan," sang-ayon ni Jeiro na ngayon ay nasa amin na ang paningin.

Ang seryoso na ng mukha niya. Seems like he woke up earlier in a bad mood.

Matunog na ngumiti si Quiah sa kaibigan at kay Tita.

"As what I've said, I cannot wait any longer. Gusto ko na siyang pakasalan. Gusto ko na siyang angkinin na akin lang. Gusto ko nang ilipat sa kaniya ang last name ko para kahit saan siya magpunta, nakatatak ako sa kaniya."

"We understand, hijo. Pero hindi madali ang kasal at hindi uto basta-basta. Mainam na planuhin muna ang lahat bago kayo pormal na ikasal," sagot naman ni Tita.

Nag-gets ko ang punto nilang lahat. Wala akong papanigan dahil puros tama. Ewan ko lang kay Quiah at bakit nagmamadali.

Bakit kaya atat na atat 'to na magpakasal agad e last name ko lang naman ang mapapalitan kaoag kinasal kami. At saka naninirahan na kami sa isang bahay kahit wala pa kaming kasal kaya hindi ko talaga alam sa kaniya.

"But still the decision is on you. Suggestions lang naman ang sa amin," pagbawi ni Tita.

Ngumuso si Quiah at parang batang tumingin sa 'kin.

"Stop pouting besides Jeiro and Tita is right. Hindi dapat tayo magmadali. We should plan first," pagsang-ayon ko.

"Okay," tanging sabi niya lang at hindi na nagsalita pa.

"I guess that's it? Hindi muna sa susunod na buwan ang kasal." Tumayo si Tita pagkatapos magsalita. "Una na ako," aniya at naglakad palabas.

Pipigilan ko sana si Tita ng hawakan ni Quiah ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon