Mabuti na lang holiday ngayon kaya pwede akong hindi gumising ng maaga. Kaya sinulit ko na at 10 na ako gumising. Tumayo ako naligo at nagbihis ng simpling jeans at spaghetti at pinaresan ko ng hoddie na white.
Plano ko kasing bisitahin ulit si Quiah ngayon. Hindi niya alam na bibita ulit ako ngayon kasi 'di ko sinabi. Naaalala ko kasi ang sinabi niya kahapon na nababagot siya kasi siya lang lagi mag-isa do'n at dahil holiday ngayon at nandito naman si Jehanee para makipaglaro sa nga bata ay pupuntahan ko siya.
Nilagay ko sa messy bun ang buhok ko at naisipang 'wag nang isuot ang glasses ko. Naisip kong hindi ko naman kailangan no'n dahil hindi naman sira ang mata ko. Inayos ko ang pagkaka messy bun ng buhok ko at naglagay din ako ng lipgloss for the first time in the history of my life. Dati kasi wala akong pakialam kung ano na color ng labi ko.
Narinig bumukas ang pinto kaya humarap ako para alamin kung sino ang pumasok at natawa ako ng makitang nabitawan ni Jehanee ang dala niyang libro. 'Yung librong ginamit ko para turuan ang mga bata. Tulala lang siyang nakatingin sa 'kin mula ulo hanggang paa. Sinulyapan ko ang libro ko sa sahig at ako na ang lumapit para kunin ito. Kinuha ko ang kamay niya at ibinalik doon ang libro na naging dahilan para matauhan siya at kumurap-kurap sa 'kin.
"Hala! Couzie? Is that you? Ohmyyyyyyyy! You're so pretty..." Tili niya at initsa ang libro sa kama para yugyugin ang balikat ko.
"Ah, hehe, bakit ka ganyan?" Naiilang na tanong ko. "Ang glasses ko lang ang nawala sa 'kin maliban do'n wala na akong binago."
"Exactly. Ang ganda mo ngayong wala na ang glasses mo at bumagay din sa 'yo ang ganyang buhok na nakatali hindi 'yong hinahayaan mo lang na nakalugay." Ngisi niya.
Tumango na ako at hindi na lang pinsan ang huling sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone ko at wallet na rin kahit walang naman.
"Anyway, where are you going? Bihis na bihis ka ata?" tanong niya pagkatapos mapansin na paalis ako
Binuksan ko ang pinto bago sumagot. "Bibisitahin ko si Mr. Grumpy. Sama ka?"
Ngumisi siya bago umiling. Alam ko na ang ibig sabihin ng ngising 'yan. Napailing na lang ako at bumuntong hininga. Kahit kailan, Jehanee.
"Ihahatid na kita dahil alam kong kaunti na lang ang pera mo dahil nagamit mo no'ng iwan ka niya sa restaurant. Babalikan ko na lang ang mga bata mamaya para ipasyal. Let's go."
Napabalik sa kaniya ang tingin ko sa sinabi niya. Nakangisi siya kaya napanguso ako.
"Ay, ang daya. Sumama na lang kaya ako sa inyo mamasyal?" Nguso ko.
"Hindi pwede. Unahin mo 'yong may sakit at saka sa sabado kapag magaling na 'yang si Mr. Grumpy mo ay kasama kayo sa pamamasyal but for now, puntahan mo muna siya." Kindat niya sa 'kin na may halong halakhak pa sa dulo.
Hinila niya ako pababa at nagpatianod na lang ako. Pagdating namin sa sala ay naroon ang mga bata at nagkukulay sa mga pinapagawa ni Jehanee sa kanila. Mukhang may naituturo naman pa lang tama 'tong si Jehanee sa mga bata. Hindi puro pang-aasarar at kabalustagan ang ginagawa.
"Kids, look at Jeah. She's pretty, right?" Ngisi niya sa mga bata.
Mabilis na nag-angat ng tingin ang mga bata sa 'kin at napanganga ng makita ako. Ganoon ba talaga kalaki ang pinagbago ko eh glasses lang naman ang kinuha ko.
"Yez, Ate Jehaneey, Ate Jeah iz bery prity." Ngiting-ngiti na ani ni Lea.
Hala! Bakit nage-English na etong nga batang 'to? Natawa lang si Jehanee sa sagot ni Lea. Napailing ako dahil alam ko na kung bakit sila nage-English.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...