Kabanata 49

358 12 0
                                    


Hindi madaling isipin na ngayon, narito na kami nang pinsan ko. Ngunit sa ibang pagkakataon. Ako narito nakaupo at nagbabantay sa kaniya na nakahiga sa higaan niya at kailanman ay hindi na gigising pa.

Gusto kong magwala rito. Gusto kong ilabas ang sakit na dinaramdam ko. Gustong-gusto kong mga lumpasay sa sakit. Pinipigilan lang ako ni Quiah.

Ang sabi nang mga nakakita, ang pinsan ko raw ang bumangga sa kotse. At ni-check nang mga police wala raw namang problema sa kotse.

Iniisip ko na posibleng natulala na naman 'yon sa kitse niya kaya siya nabangga. Kasalanan ko 'to, e.

Kung sana inalok ko siyang sumabay na lang sa 'min sana hindi nangyari sa kaniya 'to. Kasalanan ko 'to. Napaka walang kuwenta kong pinsan.

"Condolences, Jeah."

Hindi ko pinapansin ang mga nagsasabi sa 'kin nang condolences. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa tanggap. At hindi ko pa kayang ngumiti sa kanila.

Hindi ko pa kayang tanggapin na ang babaeng nagpapangiti sa 'kin sa araw-araw dati ay wala nang buhay ngayon. Ang sakit lang.

"Hon, uwi muna tayo."

"No," mabilis na sagot ko.

"P-Pe--"

"Sabi nang ayoko, Quiah!" singhal ko sa kaniya.

"Okay, okay. Hindi na. Hindi na."

Niyakap niya ulit ako pero iwinaksi ko ang mga kamay niya.

"Umuwi ka na. Kaya ko na rito," malamig na ani ko.

"What? No! If you stay here then I'll stay here."

Hindi na ako umimik. Ayokong makipag argumento sa kaniya ngayon. Naramdaman ko ulit ang yakap niya sa gilid ko.

Naalala ko tuloy no'ng hindi pa nakikita ni Jehanee si Quiah, excited na excited siya no'n. Gustong-gusto niyang ma-meet tapos no'ng na meet na niya, biniro niya pa akong sa kaniya na lang daw dahil hindi naman daw ako talaga ako gusto ni Quiah.

Nakakatuwa at nakakasakit na alala. Ang mga kulitan namin ay kailanma'y hindi na madudugtungan. Ang mga tawa niya ay hindi ko maririnig. Hindi ko maririnig ang mga pang-aasar niya.

Hindi ko na matitiman ang lugaw niya. Hindi ko na maririnig ang bulgar niyang pananalita.

Bakit mo kasi kami iniwan nang maaga, Couzie?

Dahan-dahan at nanghihina na tumayo ako mula sa inuupuan at naglakad papunta kung nasaan siya. Mabuti't hinayaan ako ni Quiah.

Dinungaw ko ang mukha niya.

Napahikbi ako nang makita ang mukha niya. Walang nagbago, maganda pa rin. Matangos pa rin ang ilong at makinig pa rin ang mukha.

"G-Gusto kong makita ang magaganda mong mata, Couzie. Kaya sige na, b-bangon na r'yan at sabihing n-nagbibiro ka lang. Gusto kong makita ang pinagyayabang mo sa 'kin no'ng bata pa tayo n-na...kaakit-akit ang 'yong mga... mata. G-Gusto kong makita 'yon....n-ngayon. S-Sige na please, t-tayo na r'yan."

Niyakap ko ang kabaong kung nasaan siya nakahimlay. Niyakap ko ito nang puno nang hinanakit at kabiguan. Kailanma'y hindi ko yata matatanggap ang kaniyang pagkawala kasabay nang kaniyang anak na hindi man lang nabigyan nang tiyansa na makita ang mundo.

"C-Couzie...."

Naalala ko ang huling pagkain na hiningi niya sa 'kin....

"Gusto ko nang pinya, Couzie."

Natigilan ako sa pagsasalita at umawang ang bibig ko

"A-Ano?" gulat na tanong ko.

Ngumuso siya at pumangalumbaba sa arm chair niya.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon