Ngingiti-ngiti si Quiah habang kumakain sa kusina. Panay sulyap sa 'kin tapos ngingiti. Natatawa na lang ako sa inaasta niya. Kahit kanina nagluluto siya para sa hapunan namin hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi niya.
Kung iisipin sobrang bilis ng mga pangyayari. As in, sobrang bilis. Halos no'ng isang linggo lang nag-aaway kami, may galit ako sa kaniya at wala pa siyang respeto sa 'kin pero heto at nandito kami sa iisang bahay ngayon, nagngingitian at magkasabay na kumakain.
Pumayag na rin pala ako na dito tumira kasama niya. Wala lang. Gusto ko rin kasi siyang mas makilala pa. Gusto ko pang makita kung ano ba talaga siya at ang mga iba pa niyang ugali. I wanna see the real him, inside and out.
Walang namang mawawala sa 'kin at saka gusto ko na rin siya, aayaw pa ba ako? Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa sala. Nakahilig ako sa kanya habang nilalaro niya ang mga daliri ko.
"Hindi ka lang ba napipilitan?" biglaang tanong niya.
"Kaunti," biro ko at tumawa ng malakas.
Hindi ko siya narinig na magsalita kaya nilingon ko siya at nakasimangot na siya. Natawa na lang tuloy ako lalo. Parang bata. Ang cute.
"Bakit 'yong ibang mga lalaki kapag pumupuot at sumisimangot lalong gwumagwapo pero bakit kapag ikaw ang sagwa tignan?" pang-aasar ko pa sa nakasimangot na mukha niya.
Mas lalong sumimangot ang mukha niya na naging dahilan oara matawa ako lalo. Adorable, Quiah. Hmm.
"Hon, do you hear yourself? You just insulted your boyfriend. Why is that, huh?" may tampo sa boses na tanong niya.
"Ang ibig ko lang namang sabihin sa sinabi ko ay 'wag kang malungkot at bumusangot. Tumawa ka lang lagi, mas bagay sayo 'yon," bawi ko kaagad sa pang-aasar ko, baka mapikon.
"Hm..." Tango niya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo.
Hm.. Napangiti ako. Sweet small gestures. I like it and I like him. Aackk. Okay, tama na, Jeah! Nakanagiti siyang tumingin rin sa 'kin at may naalala ako sa ngiti niya.
"Ay, Quiah alam mo bang kaya ko nasabing 'baka' may gusto ako kay Jeiro dahil sa ngiti niya at sa mukha niya," pakukwento ko. "Ang gwapo niya kasi kapag tunawa tapos ang inosen---"
"Hon, you really know how to ruin the moment."
Natigil ako sa pagkukwento nang putulin niya ang sinasabi ko.
"Hala! Pa'no ko naman nasira ang moment?" nakakunot ang noong tanong ko.
"Nakahilig ka sa 'kin tapos yakap naman kita mula sa likod and for me this is the perfect place where I belong, where we belong. Pero bigla-bigla mo na lang pinapasok sa usapan si Jeiro. Kalimutan mo na muna siya, please?"
Napalingon ulit ako sa kaniya sa sinabi niya. Nakatitig siya sa 'kin ng malungkot. His eyes are pleading. Nakaramdam ako bigla ng pagkabigat ng nararamdaman.
"Pwede bang sa two months na usapan nating dito ka titira, ako na lang muna ang isipin mo?" Ngumiti siya pero umabot sa mata.
"Hindi ko naman siya iniisip, e. Bigla ko na lang siyang naalala pero hindi ko talaga siya iniisip," paliwanag ko.
"Hmm. Okay. Tara, akyat na tayo," aya niya. "May pasok pa tayo bukas.
Mahina akong tumango ako at tumayo. Tumayo rin siya at hinawakan ang kamay ko para sabay kami. Dinala niya ako sa isang kwarto na may malaking kama sa gitna. Tapos ang daming iba't-ibang painting na nakasabit. May malaking lamphhade sa gilid. May malaking sofa rin sa gilid at may isa pang malaking pinto na mukhang banyo.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...