Kabanata 11

816 24 0
                                    


Pumunta kami sa cefeteria ng hospital dahil do'n gusto ng Mommy niya makipag-usap. Actually wala akong ka ide-ideya bakit niya ako gustong makausap. Well, I'm hoping that this is not about the 'boyfriend ang girlfriend' thing. Umupo kami sa isang table. Nanginginig pa ang mga kamay ko.

"Bakit niyo po akong gustong makausap?" agad na tanong ko pagkaupo namin.

"Hija, you know my son is sick, right?" Nakangiting tanong niya.

Tumango ako. Kaya nga nandito sa hospital ang mokong na 'yon, ah. Hindi kasi nag-iingat.

"Are you close with my son, hija, because as I can see he's comfortable with you." Ngumiti siya na parang may pinapahiwatig.

Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo dahil sa kaba. I don't know kung saan papunta ang usapang 'to.

"Nako, hindi po. Hindi ko nga rin po alam kung ba't nandito ako at saka no'ng nakaraang linggo lang po kami nagkakilala," totoong sagot ko.

Ayaw kong magsinungaling para lang masabi niya na close talaga kami ng anak niya. Hindi ako gano'n.

"Talaga? So, what's your first impression to him?" excited na tanong niya.

Nakangisi pa at umayos ng upo. Parang naghahanda sa maririnig niya. Akala niya siguro maayos ang unang pagkikita namin ng anak niya.

"No'ng una pong dumapo ang tingin ko sa kaniya napaigtad po ako kasi parang ang intimidating niya pero nawala rin po agad kasi hindi naman siya importante. Maliban po do'm wala po siyang respeto sa 'kin." Nguso ko na ikinatawa niya.

Nasisiyahan ba sila sa asal ng anak nila? Ako hindi natutuwa. Pero noon 'yon. Okay na ako sa kaniya ngayon.

"My son's just like that. Akala mo seryoso sa unang tingin pero makulit din 'yan. Mahilig mang-asar ng mga tao. Hindi lang ikaw ang inaasar niyan pati ang mga kaibigan niya." Tawa niya na mukhang naaalala ang mga kabulastugan ng anak.

"Talaga po ba? Mabuti naman po at hindi ako nag-iisa kundi baka inisip kong espesyal ako. Hindi pa naman ako kumakain ng Rebisco," biro ko.

Malakas siyang tumawa sa biro ko. Pasok na ba ako bilang isang comedian? Tawang-tawa siya, e.

"You're funny, hja. I know my son will like to be with you." Tango-tango niya.

"Po?" gulat na tanong ko.

"Hindi mo naman siguro inisip, hija, na kinausap kita para makipagbiruan 'no?" Tawa niya.

Habang ako nakakunot ang noo. Ano ba talaga ang kailangan niya? Kanina pa kami usap ng usap pero hindi ko pa rin alam ang ibig niyang sabihin sa pag-uusap na 'to.

"Hija, I know my son is irritating and stubborn but can you... guard him for me? For us?"

"What do you mean, Tita?" takang tanong ko.

"He's so careless and we need someone to look after him and I think you're perfect for it."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Ako? Gagawin niyang babysitter o body guard ni Quiah? Oh man! No, please!

"I can pay you, hija. Just please accept my offer. We really need someone to look after him. Masyado kasing maloko ang batang 'yon at kahit matataas ang grades niya alam kong marami rin siyang kabalastugan na ginagawa sa school." Iling niya.

Ha? Hindi gano'n ng pagkakakilala ko kay Quiah! Aside from being cold at walang respeto, wala naman siyang ibang ginagawa school like bullying. Aayaw na sana ako pero nang tingnan ko ang mukha ni Tita na mukhang nagpapaawa ay wala akong ibang nagawa.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon