Pauwi na kami ni Jehanee ng maisip kong buksan ang cellphone ko. At text agad ni Quiah ang bumungad sa 'kin.
From Quiah:
Sorry honey. Can't be there. I'm sick:(
Pagak akong tumawa sa text niya. Anong akala niya sa'kin, tanga? Na maloloko pa niya? Hindi ako ganoon ka tanga, oy.
"Bakit parang bigla kang na bad mood kanina?" tanong ni Jehanee habang papasok kami sa bahay.
"Wala. Si Mr. Grumpy lang," kibit-balikat na sagot ko.
"Why? What's with him?" kuryusong tanong niya.
"Hindi na nga dumating kanina, tinext pa ako ng kasinungalinan. Akala siguro niya mauuto niya ako. Mukha niya." Irap ko.
"Ano bang sabi sa text?" ulit na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot pero binigay ko ang cellphone ko sa kanya. Tumigil siya para basahin habang ako dumiretso sa kusina dahil nag-iingay ang mga bata.
"Nakauwi na si Ate," masiglang anunsiyo ko.
"Ate..." Mabilis silang tumakbo papunta sa 'kin at isa-isang kumiss sa 'kin.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko at umayos ng tayo.
"Nagluluto po ako ng hapunan, Ate. Na-miss ko pong magluto, eh. Kasi kaninang umaga si Ate Jehanee ang nagluto." Nguso ni Gina.
"Aww... Nakaka-touch naman."
Ngumiti lang sila at bumalik na sa mga ginagawa nila. Habang ako ay lumabas na ng kusina para umakyat. Naabutan ko pang nagbibihis si Jehanee sa kwarto ko. Initsa ko ang bag ko sa kama at nagbihis din. Nauna siyang natapos kaya umupo siya sa kama, hawak pa rin ang phone ko. Pagkatapos ko ay umupo rin ako sa tabi niya.
"Couzie, sigurado ka bang nagsisinungaling tong si Mr. Grumpy?" paniniguro niya.
"Oo, bakit?"
"Eh kasi ang nakalagay na oras dito na tinext niya 'to ay 11:38 pa."
"Ano naman ngayon? Naghintay akong mahigit kalahating oras sa kaniya." Pinagdiinan ko pa ang kalahating oras.
"Bruha ka ba? 11: 38 niya 'to tinext kaya ibig sabihin hindi niya gustong maghintay ka kasi 12 noon pa ang usapan niyo at 11:38 pa niya 'to tinext. So, maaaring totoo na may sakit nga siya." Irap niya sa 'kin.
Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip agad 'yon? At bakit hindi ko in-open cellphone ko kanina?
"Pero sabi ni Jeiro na may kasama raw na iba si Mr.Grumpy kaninang lunch," kunot-noong sagot ko.
"At naniniwala ka kay Jeiro?" Pinanliitan niya ako ng mata kaya napaiwas ako ng tingin.
Oo nga 'no? Bakit nga ba naniwala agad ako kay Jeiro?
"Bakit hindi? Mabait naman siya at saa kung papipiliin ako mas gusto kong maniwala kay Jeiro kesa kay Mr. Grumpy," rason ko na lang.
"Everyone can lie, Couzie."
"Ano ba talaga punto mo, Couzie? Kasi seryoso naguguluhan ako sa 'yo. Wala naman na sa 'kin kung 'di niya ako sinipot."
"Ang sa 'kin lang eh baka totoo na may sakit siya habang ikaw, iba ang alam tungkol sa hindi niya pag sipot." Umupo siya ng maayo sa kama habang nagpapatuloy sa pagsasalita. "Ikaw rin, baka siya na pala ang tamang tao para sa 'yo pero mas naniniwala ka sa chismis."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na lang ako para kunin ang books ko at magbasa. Pagdating ng gabi ay kumain kami ng hapunan at pagkatapos ay tumambay muna kami ng mga bata sa sala kasama si Jehanee.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...