Habang nasa byahe kami ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako na kinakabahan na masaya na kinakabahan talaga pero masaya naman talaga ako pero talagang kinakabahan lang. Ay ang gulo! Basta masaya ako na kinakabahan. Pwede naman sigurong dalawa ang makaramdam ng dalawang pakiramdam, 'no?
"Malayo pa ba tayo, Quiah?" tanong ko na lang sa pagkabila ng pagkalito sa nadarama.
"Nope. Almost." Iling niya.
Tumango na l ang ako bilang pagsang-ayon. Huminga ako ng malalim at tumingin na lang sa labas. Kinakabahan talaga ako sa isiping makikita ko ulit ang mga magulang niya. Hindi naman sila masama sa 'kin pero baka kasi kapag nalaman nilang nililigawan ako ng anak nila ay ayaw na nila sa 'kin. Nakakatakot 'yon. Nakakatakot lalo na't may nararamdaman na rin ako para sa anak nila. Nakakatakot kasi ngayon sanay na akong may clingy na Quiah na nanggagambala sa tahimik kong buhay.
Hindi nagtagal ay ipinarada niya ang sasakyan niya sa harap nang de-remote na gate na siya rin ang nagpindot. Sosyal naman. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mas lalo kong naaninag ang bahay nila. Hindi siya gaanong malaki pero hindi rin maliit. 'Yong saktong pampamilyang mayaman lang. May maliit din na fountain sa harap at napapalibutan ang bahay ng iba't-ibang puno na hindi lumalaki. Mukhang alagang-alaga. Tapos puro grass na maliliit ang naapakan namin ngayon. 'Yong tipong kapag nagpaa ka lang ay malambot. Alagang-alaga rin siya kasi green na green.
Inalok niya ang kamay niya sa'kin kaya tinanggap ko iyon at sabay kaming naglakad papasok. Mas namangha ako pagkapasok dahil hindi katulad ng ibang bahay nasa loob ang swimming pool. Kapag kaharap mo ang pinto ay nasa right side siya. Malaki rin mukhang pang bisita at pampamilya.
Tapos ang mga gamit sa loob ng bahay ay sumisigaw ng pera. Ano ba 'yan, mahihiya tuloy akong hawakan sila. Tapos may second floor din ang bahay at sadyang napakalaki ng sala na may apat na sofang malalaki. Tabang! Sino ba 'tong kasama ko? Anak ng Presidente? Baka disguise lang? Baka nag mask lang?Pero hindi naman Gailez ang last name ng Presidente, e. Okay, tama na, Jeah. Kung ano-ano na iniisip mo baka mabaliw ka na ng tuluyan.
Ang dingding ng bahay ay pinaghalong light grey na mayroong white na may halo ring pagka peach. Ang sarap lang sa mata at higit sa lahat ang sarap sa pakiramdam kasi ang lakas ng aircon. Tsar. Pero hindi totoo, ang sarap sa pakiramdam ng bahay. Ang welcoming lang sa pakiramdam. Pakiramdam ko tuloy taga rito ako kahit hindi.
"Do you like it?" biglang tanong niya pagkatapos ng mahabang panahon na panunuri ko sa bahay na ibibigay niya sa 'kin mamaya. Joke.
Hay nako, Jeah. Baliw ka na yata talaga. Kahit sarili mo binibiro mo. Tsk.
"Hmm. Ang ganda." Ngiti ko.
"Good because it's yours."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kumurap-kurap ako. Wait? Biro lang 'yong kanina, a. Biro lang 'yon, talaga.
"Woy! Hindi 'yang magandang biro." Tawa ko kunware kahit kinakabahan na.
"Who says I'm joking, hon? I told you I'll bring you to our house."
"Kaya nga. Bahay niyo," kunot noong ani ko.
Tumawa siya ng bahagya at tinapik ng mahina ang pisngi ko. "Our house, hon."
"Ano ba, 'di ako tanga. Our nga ibig sabihi--wait..." Natigil ako sa pagsasalita ng may ma-realize ako.
Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Sa reaksiyon niya hindi ako pwedeng magkamali. Hinding-hindi.
"Our means atin? Hindi inyo? Tama ba?" nagha-hyperventilate na tanong ko.
"Uh-huh!" Nakangiting tango niya.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...