Nakauwi na kami ni Quiah sa bahay gabi na at pagod na pagod siya kasi buong araw silang naglaro ng mga bata. Walang humpay.
We already ate dinner sa bahay ko kasi nagluto si Tita.
"Hon, you take a bath first," ani ni Quiah at basta na lang inihulog ang katawan sa kama.
Tumango ako at pumasok sa banyo para maligo. Habang sinasabunan ko ang sarili ko ay biglang may kumatok sa banyo.
"Hon, can I join?"
"Loko ka, tumigil ka nga!" saway ko kay Quiah at nagpatuloy.
"Hon..."
"Quiah, isa. "
"Hon, conserve wate---"
Napabuntong hininga ako. Nababaliw na ngang talaga si Quiah.
"Sana sinabi mong gustong-gusto mo nang maligo para ikaw pinauna ko hindi 'yong para kang manyak diyan na nakikiusap," inis na ani ko.
"Hoy, grabi ka naman sa manyak na nakikiusap."
Kahit 'di ko kita alam kong nakanguso siya. Napailing ako. Kung biro 'to hindi ako natutuwa talaga.
"Joke lang talaga, hon. I respect you."
"Oo, balik ka na roon sa kama," sagot ko na lang, ayaw na magsalita pa.
His joke aren't funny at naiinis ako. Kanina pa siya sa mga ganiyan-ganiyan niya no'ng nandito pa si Gia. Hindi naman siya ganiyan dati. Does that mean gusto na niyang gawin ang bagay na 'yon?
Pero hindi ko pa maiibigay 'yon sa ngayon.
Some couples do broke up because of things like this because girls can't provide what boys needs kaya sa iba nila hinahanap.
Ganoon rin ba ang mangyayari sa 'min ni Quiah? Maghahanap rin ba siya ng iba kasi hindi ko 'yon kayang ibigay? Pagkatapos kong maligo ay naka roba akong lumabas. Naabutan ko si Quiah sa kama na nakahiga at nakapikit ang mata.
Umiling ako at kumuha ng damit at bumalik sa banyo para magbihis. Pagkatapos magbihis ay lumabas na rin agad ako.
"Maligo ka na, Quiah."
Mabilis siyang dumilat at bumangon. "Hm." Tango niya at pumasok sa banyo.
Ako naman ngayon ang umupo sa kama at tinutuyo ang buhok. Nananatili pa rin sa 'kin ang isiping maghihiwalay kami dahil sa bagay na 'yon. I love him pero kung hihiwalayan niya ako dahil lang hindi ko maibigay 'yon ay bahala na, papayag akong maghiwalay kami.
Hindi 'yon totoong pagmamahal kung maghahanap siya ng iba after his girlfriends can't give him his need. Isa 'yon sa mga pagsubok sa isang relasyon. Kung mangaliwa at maghanap ng iba ang lalaki dahil hindi maibigay ng kapares nila ay wala silang kwenta at hindi nila totoong mahal ang mga girlfriend o asawa nila. Nang matapos kong patuyuin ang buhok ko ay humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Even he already said that it is a joke, hindi pa rin 'yon mawala sa isip ko. Nac-conscious tuloy akong makipagtabi sa kaniya. Feeling ko ang awkward. Feeling ko may ibang mangyayari. Nang lumabas si Quiah sa banyo ay mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog. Kumuha lang siya ng damit at bumalik rin sa banyo. Bumuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...