Kabanata 54

323 9 0
                                    


Hindi ako mapakali habang nasa bahay. Hindi ko pwedeng hayaan si Tita na mag-isa roon pero humingi siya nang oras.

"Nandoon rin si Jeiro. Hindi nag-iisa ang Tita mo," pagpapakalma ni Quiah sa 'kin.

Kahit alam ko naman na ang bagay na 'yon ay hindi pa rin ako mapakali. Pareho silang nagluluksa ngayon katulad ko. Ang nasa tamang pag-iisip nga lang ngayon ay si Quiah.

Alam ko namang nasasaktan rin siya pero hindi niya lang ipinapakita kasi nakikitang nasasaktan ako.

"Magpahinga ka muna. Babantayan kita."

Wala akong nagawa nang pinahiga niya ako. Pagod na pagod na rin ang katawan ko. Nang makahiga na ako ay kinukutan niya ako at tinabihan na mukhang bata.

Hinaplos niya ang buhok nang dahan-dahan at kumanta nang mahina. Hindi ko alam ang kanta pero may liriko siyang... 

When your tears falls down
I am ready to be your...shoulder

When your heart is broken
You can come to me,

And I will... I will love you...

When your tears falls down,
I am ready to be your...knight

I'll be there

Oh, I'll be there....

Come to me when you're broken
Come to me when you....are lost
Come to me and take my hand

Take....my hand and I will guide you
And I will love you, ooh
And I...will...love you....

When your tears falls down
I am just here....
For you....

Hindi ko alam na nakatulugan ko pala habang kinkantahan niya ako. His voice is just so beautiful in my ears. It's soothing and refreshing.

Pero kahit gano'n, hindi pa rin talaga nawala ang sakit. Bumangon ako  at kumulo ang tiyan ko at saka ko lang naalala na buong araw akong walang kain.

Hinayaan rin naman ako ni Quiah because he knew I am in pain. Mukhang narinig 'yon nang katabi ko dahil gumalaw ito at bumangon rin.

"Gutom ka na. Halika sa baba, ipagluluto kita," aniya at bumaba.

Gabi na rin at mukhang inaantok pa siya kaya umiling ako at hinawakan ang kamay ni Quiah. Sobra-sobrang perwisyo na ang nadadala ko kay Quiah.

"Bakit?" agad na tanong niya, nagtataka yatang hinawakan ko ang kamay niya.

"Bukas na lang ako kakain kasi hindi naman ako gutom."

"Hon, tumunog na nga 'yong tiyan mo e—"

"Hindi naman ibig sabihin tumunog ay gutom ako, Quiah. Just let it be and believe me when I say I am not hungry. Sasabihin ko rin naman sa 'yo kung gutom ako but for now, hindi pa nga," pagpapaintindi ko sa kaniya.

He frowned at what I said. Mukhang hindi niya talaga naiintindihan. Nangyayari sa 'kin 'yon lagi at alam ni Jehanee 'yon. Gabing-gabi na tutunog tiyan ko pero hindi naman ako gutom.

"Just believe me," ani ko at huminga ulit.

Malalim na ang gabi. The lights are still open, maybe Quiah did that for purpose. I don't know. Huminga siya nang malalim at bumalik sa tabi ko.

Niyakap niya kaagad ako as soon as pagkahiga niya. Niyakap ko rin siya. I feel secured and overwhelmed at the same time. Si Quiah at Jehanee lang ang kayang magparamdam sa 'kin no'n at ngayon nga ay iisa na lang ang natira sa 'kin.

"Thank you, Quiah," ani ko at sumiksik sa kaniya.

"For?"

"For everything. Sa lahat nang nangyari, nanatili ka pa rin talaga sa tabi ko. Kahit anong hirap at kahit gaano ako kahirap intindihin minsan, lumaban ka pa rin at nanatili." Tiningala ko siya at nginitian nang marahan. "You're a keeper."

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon