Sabi ni Jeiro ay siya na ang bahala sa 'min at sa 'kin sa palusot dahil hindi naman talaga kami dapat lalabas kung hindi lang dumating sina Quiah. At tama siya, siya nga ang bahala dahil dinala niya lang naman kami sa isang zoo for our alibi.
Pagkarating namin doon ay isa-isa agad silang nawala sa paningin ko. Si Jehanee at Jeiro ay nawala agad. Pati si Gia ay hindi ko na rin mawari kung saan. Habang sina Quiah at Cheri naman ay makikita ko lang na masayang nag-uusap at nagtitingin-tingin sa mga animals.
How sweet.
At ang sakit.
Bumuntong hininga ako at umupo sa isang bench. I don't what's the purpose on this, though. Akala ko lalabas kami oara magkakasama pero heto't watak-watak kami. Iba-iba ang lugar na pinupuntahan. Bahagya akong yumuko para hilutin ang paa ko na sumasakit.
Hindi ko man lang na enjoy ang mga animals kahit magd-dalawang oras na kami rito. Sino ba namang mage-enjoy kung ikaw lang walang kasama? Bawat paglingon mo ay may mga kasama ang lahat. Si Gia na nga lang sana ang inaasahan ko kaso nawala rin bigla namg walang paalam. Nakakainis rin ang isang 'yon.
Siya pa naman ang dahilan nitong lahat. Lagi niyang pinaglalandas ang daan namin ni Quiah at nang girlfriend nito. Parang baliw. Natigil ako sa paghilot nang paa ko ng biglang maharangan ang paningin ko nang isang boteng tubig.
"Water?"
Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa lalaking mag-alok sa 'kin nang tubig at umawang ang labi ko nang makita ang pagmumukha nito nang tuluyan. Ngumiti siya agad pero hindi ko sinuklian.
"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko sa kaniya, hindi pinapansin ang ngiti niyang napakalaki.
I still can remember this man. 'Yong kaklase ni Quiah na humalik sa 'kin sa pisngi at nasuntok ni Quiah. Bastos kasi. Humalakhak siya sa tanong ko at biglang umupo sa tabi ko.
Umusog ako kaagad palayo sa kaniya.
"Bakit? Sa 'yo ba 'tong zoo para tanungin mo ako nang ganiyan? Baka kasi namamasyal rin ako rito at nakita kitang mag-isa at hinihilot 'yang binti mo kaya lumapit ako," mahabang litanya niya.
Ngumiwi ako sa kadaldalan niya. Ang iksi nang tanong ko, ang haba ng sagot niya.
"What I mean is, bakit ka lumalapit sa 'kin? Are we good? Are we friends?" Tinaasan ko siya nang kilay, tuluyan nang nagmamaldita.
Actually, I am not that mad at him pero dati 'yon. Simula no'ng nalaman kong kakasuhan nila si Quiah ay doon na ako nagalit. Siya pa nga ang naunang humalik sa 'kin, sila pa may ganang kasuhan ang lalaking nagtanggol sa 'kin.
"Why? Can't I go near you even if we're not friends? Required bang friends muna? Edi, maging friends tayo." Humalakhak siya at inabot ang kamay ko para sapilitang mag shake hands.
Inis na binawi ko ang kamay ko. "Ano ba. Harassment 'yan, ah!" singhal ko sa kaniya.
Tinawanan lang niya ako bago ngumiwi. "Bakit ba ang init nang dugo mo sa 'kin? Wala naman akong ginawa sa 'yo---"
"Ah, wala? Talaga wala?" putol ko sa sinasabi niya, naiinis na talaga.
Naiinis ako kasi umaakto siyang inosente at parang walang nagawa sa harap ko when in fact, we both know what he did. Kinamot niya ang ulo niya at ngumuso.
Acting cute, huh?
"Galit ka pa rin sa 'kin dahil doon? Pinatawad na ako ni Quiah, ah? Bakit ikaw hindi pa rin? Para namang others 'to." Tulak niya sa braso ko nang bahagya.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...