Kabanata 50

358 10 0
                                    


Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Quiah sa tabi ko. Gusto ko sana siyang hanapin kaso tinatakad akong bumangon. Naalala ko na naman kasi ang nangyari sa pinsan ko.

Bigla na lang tumulo ang luha ko nang walang kahirap-hirap.

Ang aga-aga pinapaiyak mo 'ko, Jehanee!

Kung nandirito lang siya ngayon, tatawanan ako no'n at sasabihin napaka-iyakin ko. Wala, e. 'Yon lang yata ang role at ambag niya sa buhay ko, ang pagtawanan, asarin at pikunin ako.

Pero hindi naman sana ako nagre-reklamo. Okay lang naman sa 'kin. Kahit nga pagselosan niya ako araw-araw okay lang. Kahit awayin niya ako araw-araw at sigawan ay okay lang basta nandito siya. Makikita ko siya.

Maririnig ko ang tawa. Makikita ko ang makikinang mga mata at ang mga puot nita kapag nagtatampo na.

Mabilis kung pinahid ang luha ko nang bumukas ang pinto at iniluwa si Quiah. May dala siyang mga pagkain sa tray. Naalala ko na naman 'yong pagluto nilang dalawa ni Jeiro nang lugaw sa 'kin.

Ah! Ang sakit!

"Morning," he greeted me with a small smile.

Good thing he didn't mention the 'Good' because my morning isn't good kahit si Quiah pa ang unang taong nakita ko pagka gising ko.

Marahil ay alam niya na hindi naman talaga maganda ang umaga ko. Sinuklian ko nang marahang ngiti ang pagbati niya.

Nanghihina at walang lakas na umupo ako sa kama. Inilagay niya sa harap ko ang pagkain at hinalikan ako sa noo.

"Eat up. You need it."

Napatingin ako sa pagkaing handa niya. Alam kong siya ang naghanda nito at nasasayangan ako pero wala akong gana at ayokong pilitin ang sarili ko.

"S-Sorry pero wala akong gana, Quiah. I-Ikaw na lang kumain niyan," marahang anas ko, pinapaintindi sa kaniya ang nararamdam at takot rin na magalit siya.

"But yourself needs it. Kailangan mong kumain para may lakas kang bantayan si Jehanee mamaya."

Napataas agad ako nang tingin sa kaniya sa narinig ko.

"M-Mamaya?"

"Yes." Ngumiti siya. "Mamaya. Alam kong gusto mo siyang bantayan kahit sa natitirang araw niya rito sa mundo and who am I to stop you? She's your cousin and I understand that it is so painful to you losing her in a very early time. Siya ang naging karamay mo no'ng wala pa ako sa buhay mo kaya nararapat lang na hayaan kita pero sana 'wag mo namang pabayaan ang sarili mo, hon. I'll be very worried if you get sick."

Mabilis akong tumingkayad at kumapit sa leeg ni Quiah at doon humagulgol nang iyak. Sa kabila nang sakit na nadarama ko sa mga oras na 'to, napakasaya ko. Dahil binigyan ako nang Panginoon isang lalaking katulad ni Quiah.

Isang lalaking pinapahalagahan ako nang sobra. Isang lalaking iniintindi ako lagi at pilit akong minamahal kahit sa gitna nang maraming unos sa relasyon namin.

I am just so blessed having him.

"T-Thank you, hon. T-Thank you." Hagulgol ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod na humahaplos.

"Shh. 'Wag kang mag thank you. Hindi na kailangan no'n dahil mahal kita. That's more than enough for you not to say thank you. Wala, e. Ikaw ang tinibok, e kaya ikaw ang pagsisilbihan at wala nang iba. I love you so much, Jeah Sharine."









Masakit sa 'kin na makita si Tita na umiiyak. Kanina pa ako nanonood sa kaniyang umiiyak habang niyayakap ang damit ni Jehanee sa kama nito.

Gusto ko siyang daluhan, natatakot lang ako. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin at imbis na dalhin ko siya roon ay ako pa ang magtulak sa kaniya na 'wag muna dahil masakit at hindi pa katanggap-tanggap.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon