Balik klase na naman at umabsent si Quiah. Hindi sinabi kung bakit basta nagpaalam lang siya na aabsent siya. At least nagpaalam na.
Hindi ako nagtanong kahit gustong-gusto ko. Ayokong pangunahan siya. Gusto kong sabihin niya sa 'kin ng kusa nang hindi ko tinatanong.
Nag bye lang ako sa kanya at pumasok na. Sinalubong ako ng irap ni Gia at ngiti ni Jehanee. I smiled at her too and of course, I only raised an eyebrow to Gia like what she didi to me.
Hindi ko pa rin nakalimutan 'yong paghalik niya sa pag-aari ko. I maybe kind but not to her. Hindi ako magpapanggap at magpapaka plastik sa kaniya. What is she showing is what she will get from me.
Umupo ako upuan ko at nilagay ang books at bag ko.
"Oh, nasaan na ang boyfriend mo, Jeah? Iniwan ka na ba?" malanding tanong ni Gia na may ngisi pa sa labi.
Tinaasan ko lang siya ng kilay, pilit hinahabaan ang pasensya.
"Kaya ba siya absent ng absent kasi iniiwasan niya ako kasi takot siya na baka lalo siyang mahulog sa 'kin?" Ngisi niya.
Napapasinghap na lang ang mga kaklase namin sa bawat lumalabas sa bibig niya. Hindi pa rin ako umimik pero ramdam ko na ng tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Jehanee. At kung hindi tanga ay makikita niya ng talim ng aking pag tingin sa kaniya.
Si Jehanee ang umalma, gusto ko rin naman pero hinahayaan ko muna siya. Hahayaan ko muna siyang mag imagine ng mga bagay-bagay na kailanman ay hindi mangyayari.
"Oh, ano na, Jeah Sharine? Say something. 'Wag kang tatahimik-tahimik lang diyan. Ano? Iniwan ka na ba? Sa 'kin na ba siya uuwi mamaya?" Tapos humalakhak pa siya ng malakas.
Tinaasan ko lang ulit siya ng kilay.
"You see, Jeah Sharine..." Naglakad siya sa harap naming lahat ng dahan-dahan nang nakalagay sa dibdib ang dalawang braso. "May tiyansa na maging kami ni Quiah kasi match na match kami. I am beautiful while he is handsome."
Tumango-tango ako kahit galit na galit na. Kalmahan mo muna Jeah Sharine.
"We are both wealthy and I'm sure Tita and Tito will like me for their son."
Gusto kong itanong ang Ah, talaga ba, Gia? pero hindi ki na itinuloy at patuloy lang sa mga walang kwentang pinagsasasabi niya.
"I met Tita once and she treated me so well. She's so kind to me and she even said she liked me for Quiah." Tawa niya, 'yong maarteng tawa.
Hindi ko napigilang matawa ng kaunti sa sinasabi niya. Habang ang mga kaklase naman namin ay nakanganga lang na nakatingin sa kaniya na mukhang baliw pabalik-balik na naglakad sa gitna. Mukhang guro e malayo naman.
"All students here in our school keeps on saying that Quiah and I are match made in heaven. We really looked someone who will be married in the future."
Kung kanina ay galit ako sa inaasta niya nyayon ay natatawa na. Grabi siya mag ilusyon. Hindi ko mapantayan. Hindi ko ma reach.
"Right now..." Tumingin siya sa itaas na mukhang nakikita niya ang imahe nilang dalawa ni Quiah. "Right now, I can imagine myself in the aisle, wearing the most expensive gown in the town, walking through Quiah's direction." Ngumiti siya na parang kinikilig at saka tumingin sa 'kin at timaasan ako ng kilay. "At kapag nangyari 'yon, Jeah Sharine? Saan ka pupulutin?" Halakhak niya.
Tumayo bigla si Jehanee pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. Ngumisi lalo si Gia, akala siguro mananahimik pa ako. Ngunit nagkakamali siya dahil galit ako ngayon at hindi ko makontrol ang sarili ko kapag galit ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Novela JuvenilHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...