Kabanata 66

344 8 0
                                    


The long wait is over.

Ikakasal na talaga kami ni Quiah bukas. Kinakabahan ako lalo na't bukas na nga mangyayari ang pinakakakabang ganap sa buhay ko. Hindi na kami nagkita ni Quiah since ngayong gabi ay gabi niya kasama ang mga guys friends niya at ako naman sa mga kaibigan kong babae na walang iba kundi si Gia. 

Wala na akong ibang kilalang babae maliban sa kaniya. Nawala na si Jehanee na siyang pinaka-close ko pagkatapos wala ana akong ibang ka-close maliban kay Gia. 

"So, saan ang punta natin ngayon? Iinom ba tayo o kakain lang? Or manonood lang ng movies?" sunod-sunod na tanong ni Gia. 

Nasa bahay ulit kami ng Ate niya. Mamayang twelve pa raw pupunta sina Mommy ni Quiah rito kasi bibigyan muna nila kami ng oras ni Gia. 

"Gusto kong kumain lang," sagot ko.

"Eating it is." Tango niya kaagad. "Pero saan mo gusto? Here lang ba sa house or sa ibang lugar?"

 Napaka-blessed ko pa rin talaga kasi kahit nawala si Jehanee ay bumait naman si Gia sa 'kin. She got my back right now. Mas okay na rin 'yon kesa sa wala akong kasama, 'di ba? She's a good and a supportive friend rin naman. 

"Gusto ko sa puntod ng pinsan ko," sagot ko ng walang pag-aalinlangan. 

Naisip ko lang na this night is supposed to be me with my girl friends hanging out. That's why this night wouldn't be completed without me hanging out with my closest girl friend slash cousin. 

"Sure. Actually naisip ko rin 'yan kanina." Tawa niya. "Buti na lang ni-suggest mo." Bahagya akong natawa. 

Ang haba ng sinabi niya para lang sa oo, pumapayag ako. But I admit, masaya rin siya kasama talaga. Wala man lang siyang pag-aalinlangang tumango kahit gabi na. Naghanda na kami ng mga pagkain na dadalhin namin sa puntod ni Jehanee.

We even brought soft drinks and lots of junk foods. Wala akong takot na nararamdaman kahit gabi na. Nang makarating kami roon ay isinuot agad namin ang mga hoodie namin dahil sa ginaw. Dala ang mga pagkain ay pinuntahan namin ang puntod ni Jehanee. 

"Hi, Couzie," agad na bati pagkakita ko sa pangalan niya na nakaukit roon. 

"Hey, girl," bati rin ni Gia sa kaniya na akala mo close na close sila. 

Inilagay namin sa lupa ang solar at flashlight na dala namin para mailawan kami pagkatapos ay naglatag kami ng mahabang tela at nilagay roon ang mga pagkain namin. At sa huli ay umupo na talaga kami roon. Nilisan ko muna ang ibabaw ng name ni Jehanee. 

"Kamusta ka na, Couzie?" Pagkausap ko rito. 

Tahimik lang si Gia sa tabi ko. Hinahayaan akong mag-drama sa harap ng puntod ni Jehanee. Habang patagal kami ng patagal rito, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. 

"Miss na miss na kita," pumiyok ang boses sa huli.

Anytime now, I know iiyak na ako. Hindi ko lang talaga mapigilan. Parang kailan lang na nagbibiruan kami tungkol kay Quiah tapos dumaan ang maraming asaran, inisan at away hanggang sa ito na nga. 

"I know for sure na alam mong ikakasal na ako bukas." Ngumiti ako ng pilit. "Ilang oras na lang ang hihintayin namin at magiging opisyal na Mrs. Gailez na ako." Naramdaman ko ang kamay ni Gia sa likod ko, humahaplos. "Dati binibiro mo lang ako kay Quiah na ikaw talaga ang gusto niya kasi nga na-gwapuhan ka sa kaniya at pinalabas mo na ikaw talaga ang gusto niya at pinaglalaruan lang talaga ako ni Quiah."Tawa ko ng mahina. 

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon