Kabanata 29

404 13 0
                                    


Lunch time na at nasa iisang table lang kami mi Jeiro, Jehanee at si Quiah na tinotoo ang sinabing papasok siya ngayong hapon.

Kanina pa kami hindi nagpapansinan ni Jeahanee. Hindi ko siya pinapansin at ganoon rin naman siya sa akin. Ni pagtingin nga, hindi niya ginagawa.

Aminado akong sumobra ako at kasalanan ko lahat. Totoong napapabayaan ko na ang pag-aaral ko dahil sa alitan at pagtatago ni Quiah sa 'kin ng mga bagay-bagay. She cared for me but I misunderstood it.

Imbis na matuwa ako kasi nagc-care para sa 'kin, minasama ko pa. At aminado rin akong sa bawat araw na dumadaan, lumalala ang ugali ko. Nagiging maldita na ako na hindi ko naman gawain.

I think negative instead of positive. Nagiging masama na ang ugali ko dahil lang sa mga simpling hindi namin pagkakaunawaan namin ni Quiah.

At hindi ko man lang 'yon napansin. Mabuti na lang at pinamukha sa 'kin ni Jehanee kanina. At talagang napaka boba ko at minasama ko 'yon.

Kaya ngayon ay labis akong nagsisisi. Dahil doon ay hindi na niya pinapansin. At ayoko rin siyang pansinin dahil nahihiya ako sa nagawa at inasal ko sa harap niya.

"Okay ka lang?"

Natigil ako sa pag-iisip nang bumulong si Jeiro.

"H-Ha?" tanong ko.

Umiling siya at bahagyang itinulak ang tray ng pagkain sa harap ko.

"Kumain ka na. Dami mong iniisip," aniya at nagsimula ulit na kumain.

Sa tabi niya si Jehanee na tahimik na kumakain. Si Quiah naman sa tabi ko na kanina pa walang imik.

"Eat, hon," ani ni Quiah na matiim nang nakatitig sa 'kin ngayon.

Bahagya akong tumango at dahan-dahang pinulit ang kutsara at tindor para kumain.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Jeiro kay Jehanee na hindi man lang hininaan ang boses.

Hindi siya pinansin ni Jehanee at nagaptuloy lang sa pagkain.

"Hoy, nagtatanong ako, pangit nito," asar na ani ni Jeiro.

Kitang-kita ko ang pag-irap ng mata ni Jehanee sa ibaba bago tumingin kay Jeiro.

"Wala ako sa mood unggoy, ha? Tigil-tigilan mo 'ko," banta niya at bumalik sa pagkain.

Si Jeiro naman ay natutop sa kinauupuan na mukhang nagulat sa inasta ng pinsan ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa 'kin na nagtatanong pero umiwas ako ng tingin.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala na ulit naglakas ng loob na magsalita o magtanong. Naunang tumayo si Jehanee na sinundan ni Jeiro. Umalis si Jehanee namg walang paalam kaya si Jeiro na lang ang nagpaalam para sa kaniya.

"Aalis na raw siya at susundan ko na." Kinamot niya pa ang batok niya na parang nam-mroblema.

Tumango lang ako at ganoon rin ang ginawa ni Quiah. Sinundan pa namin sila ng tingin at nang mawala na ay saka lang ako umiwas ng tingin.

"What's with you and Jehanee?" biglang tanong ni Quiah.

Umiling ako at niligpit ang mga gamit ko sa mesa para umalis.  Ganoon rin si Jeiro at sabay kaming umalis. Habang naglalakad kami sa hallway ay wala.kaming imikan. Hindi ko alam pero ang awkward ng feeling.

Hindi kagaya no'ng mga nagdaang araw. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang pagiging awkward baka kasi ako lang pala ang nag-iisip no'n. Napaparanoid lang yata ako.

"Hon?" bigla ay tawag niya.

"Hm?" sagot ko habang patuloy pa rin sa paglakakad.

"Sabi ni Mommy sa kanila daw tayo maghapunan mamaya at doon na rin matutulog."

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon