Kabanata 22

518 13 0
                                    


Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Quiah. Nasa mood ata at parang masayang-masaya. Kanina pa ngiting-ngiti habang nagd-drive. Habang naglalakad kami papasok ay humugot ako ng hininga bago nagtanong.

"Are you okay? Bakit masayang-masaya ka ata?"

Tumawa lang siya at pinisil ang kamay ko na kaholding hands niya.

"Hoy! Sagutin mo naman ako," agad na reklamo ko.

His acting weird again. Wala namang ibang nangyari sa kaniya kagabi o kanina.Wala rin naman siyang nakaing iba. Wala ring balitan a dumating sa kaniya and I should know dahil hindi kami naghihiwalay. Para kaming kambal tuko.

"Wala lang. Masaya lang ako na nakakasama pa kita," masiglang sagot niya.

Kumunot ang noo ko sa sagot. Makakasama pa ako? Ang gulo ni Quiah pero imbis na mag reklamo ay hindi na lang ako nag-usisa pa.

"Ah," tanging sagot ko na lang.

Pagdating sa harap ng classroom namin ay humarap na ako sa kanya para magpaalam.

"See you later." Ngiti ko.

Tumawa siya at hinila ako papasok ng classroom namin. Kumunot na naman ang noo ko.

"Hoy! Saan ka pupunt---

"Good morning, new classmates!" sigaw niya na ngiting-ngiti.

Nalaglag naman ang panga ko sa narinig ko na mukhang hindi niya napansin. How? How can he be my classmate? Pinaupo niya ako sa upuan ko at umupo siya sa upuan ng pinsan ko. Tuluyan nang inagawan ng pwesto si Jehanee.

"Stunned, hon?" Halakhak niya.

Nakatingin lang sa kanya ang mga kaklase ko at pati na rin ako na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

"K-Kaya ka ba masaya kanina pa?" tanong ko.

"Yes. I am so happy that I'm your classmate now so I can be with you all the time." Ngiting-ngiti na sagot niya.

Kahit 'di siya sumagot alam kong 'yon ang dahilan. Ano bang nangyayari?

"Si Ma'am ba ang nagpalipat sa 'yo dito para 'di na kayo mag-away no'ng kaklase mo?"

I am hoping he'll answer yes but pero nang umiling siya, napahinga na lang ako ng malalim.

"I was the one who asked them to transfer me here so that I can be with you. Amazing, hm?" excited na aniya.

"Ikaw ang kusang nagpalipat dito at hindi ka nila nilipat dahil sa ginawa mo sa classroom niyo." Ulit na ani ko sa kabuuang ideya kung bakit siya narito sa classroom ko ngayon at tuwnag-tuwa.

"Yes. Nagpalipat talaga ako ng kusa dito. I wan't to be with you. Good idea, right?" ulit niya rin, mukhang tuwang-tuwa.

"Magkasama naman tayo sa bahay kaya pwede nang hindi na  tayo magkaklase, 'di ba?" Buntong hininga ko.

"Pero mas okay 'yong lagi kitang nakikita at nakakasama," rason naman niya.

"Pero makikita mo naman ako sa ba----"

"Ayaw mo ba ako dito?" Kunot noong tanong niya.

Bigla akong natahimik at kinabahan sa tanong niya. Hindi dahil takot ako sa tanong kundi takot akong magalit siya. Kaya imbis na sumagot ay kinuha ko ang braso niya at niyakap.

"I wan't you here. Nagtatanong lang ako," masuyong ani ko.

Totoo namang gusto ko siya rito para lagi ko rin siyang makikita but hindi na kasi 'yon tama. Hindi na tama na nagpalipat siya rito para sa 'kin. Hindi tama na maga-adjust siya para sa 'kin. At lalong hindi tama 'yon para sa mga taong makakaalam. He's doing a lot for me.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon