Kabanata 59

285 15 0
                                    

"Galit ka pa rin?"

Nilingon ko si Quiah at kinunotan ng noo.

"What do you mean galit pa rin? Saan?" takang tanong ko.

Kakarating lang namin sa bahay ni Tita at mukhang maagad natulog ang mga bata at si Tita kasi kami na lang dalawa ang narito.

Ang mga maid ay nasa kusina ang iba habang ang iba mukhang nasa quarters maid na.

"Sa kanina. 'Yong biro ko."

Agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Siyempre makakalimutan ko ba 'yon? Kung paano siya ngumuso kanina?


Tumayo ako at dumiretso ng higa sa sofa. Ginawa kong unan ang hita niya. Mabilis naman siyang umusog para maging komportable ako.

"Hindi naman ako nagalit. Okay lang ako at saka binibiro ka lang naman talaga ng Daddy mo sa pagsaway sa 'yo. If I know, boto na boto 'yon." Iling ko.

Wala, e. Close ni Quiah both of his parents pero mas partner in crime niya ang Daddy niya kasi suportado siya no'n. Lagi siyang pinagtatakpan o 'di kaya ay lagi siyang sinasakyan.

Tumango siya sa sinagot ko. Satisfied na yata. Humikab ako dahil inaantok na ako kahit maaga pa naman. Tumagilid ko ng higa patalikod sa kaniya.

"You sleepy already?" tanong niya at hinaplos-haplos ang buhok ko.

Bahagya lang akong tumango at pumikit. Pagod na pagod ang katawan ko kahit wala naman akong masyadong ginawa sa araw na 'to maliban sa pagp-propose ni Quiah ay wala naman masiyadong ganap.

Naramdaman kong hinalikan ako ni Quiah sa gilid ng noo.

"Good night, hon. I love you," aniya at hinalikan ulit ako.

"Good night," sagot ko bago tuluyang hinila ng antok.






"Q-Quiah, sa hospital. Pumunta tayo nang hospital!" natatarantang sigaw ko.

"Bakit? Ano--"

"Naaksidente si Jehanee!

"Ano?"

Hindi ko siya sinagot at hinintay lang na tahakin namin ang daan papunta sa hospital. Sobrang bilis na ng kalabog nang puso ko.

Jehanee...

"Quiah, bilisan mo..." Nanginginig na utos ko sa kaniya.

Hindi! Hindi pwede ito. Bakit nangyari 'to? Naiiyak na ako dahil sa bigat nang nararamdaman ko.

Parang may batong nakadagan sa puso ko na nagtutulak sa 'kin na umiyak.

"Hon, calm down."

Umiling ako. Hindi ako kakalma dahil hindi ko alam kung paano.

"Quiah, bilisan mo!" sigaw na utos ko.

"Hon, tayo naman ang mababangga kapag mas binilisan pa natin," rason niya.

Umiling ulit ako. Sa bawat segundong dumadaan ay palakas nang palakas ang kabog nang puso ko na nasa puntong sumasakit na ito sa pagtibok.

Pagkarating sa hospital ay dumiretso agad ako sa loob. Hinanap ko si Jeiro nang patakbo-takbo kahit naginginig rin ang mga tuhod ko sa kaba.

"Sharine!"

Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses. Mabilis akong lumapit kay Jeiro nang makita ko siya sa labas nang Emergency Room.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon