At wala ngang naganap na hiwalayan ng bahay. Ayaw talaga ni Quiah. Nagmamatigas talaga at paulit-ulit lang naman rason niya.
"Hon, bilisan mo maligo. Baka naiinip na si Mommy kakaantay sa 'tin sa bahay!" rinig kong sigaw ni Quiah sa labas.
"Opo," sagot ko at binilisan ang pagligo.
Magkikita kasi kami ngayon ng Mommy ni Quiah for the the other things na needed sa kasal kasi hindi naman talaga kami ni Quiah ang umaasikaso kundi si Tita, Mommy at Daddy ni Quiah.
Wedding gift na lang daw nila 'yon for the both of us but of course when it comes to gown, suits and themes is sa amin pa rin nakasalalay ni Quiah since kami ang ikakasal.
Pagkalabas ko ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. We're good to go dahil kanina pa naman tapos mag-ayos si Quiah.
"You excited for the preparations?" tanong ni Quiah nang nasa kotse na kami, malapit na sa kanila.
Si Tita ko ay hindi na muna pupunta ngayon since these past few days, isa siya sa busy para sa kasal namin ni Quiah. Nakaka-guilty tuloy but they insisted kahit tumanggi naman kami.
"Kinakabahan nga." Tawa ko. "Never in my life I have chose something for a big event. Like 'yong designs or how is it going to look after, never ko pa nagawa 'yon. Kaya takot ako na magkamali o hindi magustuhan ng tao ang choice ko."
"Deep," komento niya.
"Seryoso kasi." Nguso ko.
Tinawanan niya lang ako. Napaghahalataang masaya, e. I think today, we're gonna be busy since two weeks na lang bago ang kasal.
Kinakabahan na nga ako. Hindi lang for designs but for everything. Nakakaba lalo na sa kasal.
Pagkarating namin sa bahay ay nagsimula agad kami. We started from the designs and end up picking gowns.
Nahirapan ako sa lahat pero mabuti at nandoon ang Mommy ni Quiah to guide, wala pa naman akong alam sa gano'n. Si Quiah naman ay pa chill-chill lang.
May sinukat pa akong mga gowns na sa sobrang dami ay napagod ako pagkatapos ng lahat. Gabie na natapos at kung pagod ako, lalo naman si Mommy ni Quiah.
Nakikita ko ang mga eyebags niya dahil yata sa sunod-sunod na linggong pag prepare for ou wedding.
Buti sana kung hinayaan niya kami ni Quiah na tumulong kahit kaubti but she didn't. They didn't actually.
"Dito ba kayo matulog," aya ng Daddy ni Quish paglatapos naming maghapunan.
"Sure, Dad." Ngiti ni Quiah agad. Hindi man lang nag-alinlangan.
Well, tama naman na hindi siya mag-alinlangan dahil bahay nila 'to pero paano ako? Hindi ko kaya 'to bahay.
"I'll just tell Tita," paalam ko sa kanila at lumabas ng kusina dala ang phone ko.
Tinawagan ko si Tita at mabuti na sinagot niya kagaad.
"Yes, Jeah?"
"Uh Tita, dito raw po kami matutulog kina Quiah. Okay lang po ba?"
"Huh?" parang gulat pang tanong niya.
"Sabi ko po, dito raw kami matutu—"
"Yes, yes I heard that. But I am asking about why are telling me? I am not your Mom and you are with your boyfriend so it's okay." Halakhak niya na nagpagulat sa akin.
These past few weeks we've been busy that I didn't have the chance to check on her anymore and she's busy on planning our wedding too with Quiah's mother.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...