Kabanata 28

404 11 0
                                    


Sa hindi malamang kadahilanan ay nagising ako na madilim pa rin ang kwarto maliban sa ilaw na galing sa lampshade. Pag tingin ko sa gilid ko ay wala na akong katabi.

Wala si Quiah. Mabilis akong napabangon at akmang bababa na sa kama ang may mga yapak akong naririnig papunta sa kwarto.

Mabilis akong humiga ulit at nagpanggap na tulog. Nakayapap pa ako kunware sa katawan ko. Alam kong si Quiah ang pumasok dahil sa amoy niya. Naglakad siya palapit sa 'kin at umakyat sa kama at humiga.

Kinuha niya ang kamay kong nakayakap sa sarili ko at inilagay niya sa katawan niya para mayakap ko siya. Nagkunware akong nagising pero tuluyan. Binawi ko kunware ang kamay kong nakayakap sa kanya at tinalikuran siya.

Saan kaya galing ang lalaking 'to?

Munting na akong mapamura nang pwersahan niya akong kunin at pinahiga sa ibabaw niya. Mabuti na lang naalala kong nagpapanggap nga pala akong tulog kundi nabuking na ako.

Hindi na magkaundagaga sa pag tibok ang puso ko sa pwesto namin. Alam ko namang hindi 'to ang una pero iba ngayon kasi siya na ang pwersahang naglagay sa 'kin sa ibabaw niya.

Hinaplos niya ang likod ko habang hinalik-halikan ng tuktok ng ulo. Nagpanggap pa rin akong tulog kahit hindi na magkamayaw sa pagtibok ang puso ko. Quiah, ano bang ginagawa mo sa 'kin?

"I'm sorry if there are things that I can't tell you, hon. I'm just afraid. Afraid that I might lose you. Afraid that you might leave me if you'll know.  You know how much I love you." Bulong niya na nagpagulo sa akin.

Why is he suddenly saying sorry? And why he keeps on talking about things he can't tell me?

"I-I can give up everything just for you but I just can't tell you about this one. I'm sorry if I'm making you mad always. I'm sorry if I am not a good partner." Bumuntong hininga siya at ramdam ko ang bigat no'n.

The way he tells me about this makes my heart hurt. Hindi ko alam ang sinasabi niya pero alam kong kay tinatago siya dahil na rin sa sinasabi niya. And he can not tell me that secret because he is afraid to lose me.

Naguguluhan tuloy ako lalo. Gano'n ba kalaki ang sekreto na kapag nalaman ko ay maaaring iwan ko siya?

"But, hon, after all of this, I will try my very best para lang maging deserving ako sa 'yo at sa pagmamahal mo. Just please, don't leave me. Kailangan kita ngayon."

Gusto nang kumawala ng mga luha sa mata ko nang higpitan niya ang yakap sa 'kin mabuti na lang at napigilan ko.

Nasasaktan ako sa sinasabi  niya. Lagi na lang akong nasasaktan sa mga salitang ginagamit niya.

Nasasaktan akong takot siya na iwan ko. Nasasaktan ako nang marinig at maramdaman ko ang hirap sa boses niya. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Nasasaktan ako na nagmamakaawa siya sa 'king 'wag ko siyang iwan. Nasasaktan ako sa isiping nahihirapan din pala siya pero hindi ko napapansin.

I'm too selfish. I'm so self centered to the point that I'm hurting my man.

"I love you, hon. Can't tell you yet but you will know about it, soon."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ayoko nang marinig ang nahihirapan niyang boses.

"Sana pag gising mo bukas, hindi ka na galit sa 'kin. Sana pansinin mo na ulit ako kasi hindi ko kayang galit ka sa 'kin. Parang sinasakal ang puso ko. Sana pag gising ko bukas, okay na ang lahat. Wala na akong problema at hindi kana galit kasi sa totoo lang, ang pang-unawa mo ang kailangan ko ngayon pero kung galit ka pa rin sa 'kin bukas,  okay lang. Susuyuin na lang kita kahit magpasampal pa ako ng ilang beses sa 'yo. I love you so much,  Jeah. Good night."




The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon