Ito na. This is the day. Kinakabahan ako na excited. Hindi ko alam kung anong mas uunahin ko. Ang kaba ko ba o ang kasiyahan na sa wakas, ito na ang araw na hinihintay namin ni Quiah.
Kanina pa kaming lahat nagm-make up-an lahat. Si Tita at ang mga bata ay nakaayos na. Nakasuot na rin ako ng gown ko.
Hindi nagtagal ay umalis na rin sila Tita at ang mga bata. They kissed me first before leaving. Tuloy, kinakabahan ako kasi ang kasama ko na lang ay ang mga taga-make up.
"Ma'am, ang ganda-ganda niyo naman pong bride." Ngiti no'ng isang bakla na nagmake-up sa 'kin.
I smiled at him. Inaamin kong ang ganda ko nga ngayon at dahil 'yon sa kanila. Lugay lang ang buhok ko na naging wavy na. Ang gown ko ay tube designed na ang haba at ang daming silver-silver designs.
Ang bigat niya actually. Ang haba rin ng heels ko. Hindi rin ako sanay na may earings na mabibigat dahil medyo malaki ito. Pinagpapawisan rin ang mukha ko dahil sa make up na natutunaw sa pawis ko dahil sa kaba.
"Thank you po. Dahil po 'to sa inyo." Ngiti ko sa kanila.
"Hindi rin, Ma'am. Maganda ka na talagang natural. Nadagdagan lang sa make up pero natural kang maganda kahit walang make-up, Ma'am."
Tumango na lang ako. Pina-flatter niya ako. Pakiramdam ko tuloy namumula ako. May tumawag at sinabing it's time na raw.
Sumakay na ako sa kotse na maghahatid sa 'kin sa simbahan. Sa simbahan kung saan mag-iisang dibdib kami ni Quiah. Sa simbahan kung saan papatunayan namin ni Quiah ang pag-ibig sa isa't-isa.
Panay dasal ko habang nasa kotse ako. Habang papalapit kami sa simbahan ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako.
Napapangunahan na ng kaba ko ang pagka-excite ko. Hindi ko alam na ganito pala ang ikakasal. Labis kang kakabahan.
Malapit na kami sa simbahan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na amy tumatawag. Nang nakita ang pangalan ni Gia ay mabilis ko 'tong sinagot.
"Jeah, nasaan ka na?" bungad niya.
Natawa naman ako. "Why? Are you that excited to see me?" pang-aasar ko.
"Jeah, I am asking. Nasaan ka na? Papunta ka na ba? If hindi pa, huwag ka munang pumunta rito."
Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan na ring umuusbong sa akin ang kaba sa kadahilanang hindi ko alam.
"B-Bakit?"
"Ha? A-Ano, wala. Wala. Ano lang talaga, wala pa kasi ang pastor kaya huwag ka muna pumunta. Sige, bye."
Pinatay na niya ang tawag. Pero saktong pagbaba niya sa tawag ay nakarating na kami sa simbahan ng hindi ko man lang malaman.
Inaasahan kong sa labas ng simbahan ay maraming tao na sasalubong sa 'kin. Pero ni-isa ay walang tao sa labas. Kumunot ang noo ko at inilibot ang tingin.
"Kuya, tama po bang simbahan ang napuntahan natin?" takang tanong ko sa driver.
"Yes, Ma'am. Ito po 'yon. 'Yan nga po oh, may designs."
Tama naman siya. May designs nga pero sarado ang simbahan. Sa labas lang may designs. Dumagundong ang puso ko sa kaba.
Nanginginig ang katawan ko. Hindi ba tuloy ang kasal? Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan kahit walang sumalubong sa 'kin.
I was about go walk when the church's door opened. Iniluwa nito si Gia na malalaki ang matang nakatingin sa 'kin. Mukhang gulat.
"Jeah!" sigaw niya at tumakbo palapit sa 'kin. "Sabi ko sa 'yo huwag ka munang pumunta rito."
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...