Kabanata 1

2.3K 45 0
                                    




Bitbit ang malaki kong bag at maraming libro ay pumasok na ako sa eskwelahan namin. Sa eskwelahan naming parang walang katahimikan ang buhay ko. Gusto niyo ng patikim?

"You're so kawawa talaga, Jeah Sharine. Can you imagine? From being rich but nerdy napunta na lang sa poor and nerdy." Tawa niya. "Mas okay sana kung 'yang pagiging nerd mo na lang ang nawala e kesa sa parents mo."

See? 'Di ba? 'Di ba? Patikim pa lang 'yan.

At saka paki ba nito kong nerd ako?

"Ouch...Look where you walk kasi!" reklamo ng maarteng babae sa 'kin kahit siya naman ang talagang bumangga sa 'kin.

Banggain kita ng tuluyan diyan, ei.

"Iw. Don't follow me," reklamo naman no'ng nasundan ko kahit siya naman 'tong pumunta sa harap ko para magmukha akong sumusunod sa kaniya.

Ang pathetic nila sa totoo lang. 

Parang mga ano! Anong silbi ng mga pa ganiyan-ganiyan nila kung kita naman na nag-iinarte lang sila? Gustong-gusto kong umirap sa kanila pero ayoko ng away kaya hindi ko na lang gagawin. I've been in this school for 2 years now and all I can is it's messy

Yes, messy. Napaka gulo ng paaralang 'to. Araw-araw ata may nage-eksena. Ma pa cafeteria man, sa audi., sa loob ng classroom o sa hallway. Kung hindi inagawan ang jowa ang eksena, nalampasan ang pagiging honor student. 

Pero kadalasan talaga ang agawan ng jowa. Maraming malalandi rito, e.

Pumasok ako sa unang klase ko ngayong araw. At as usual, all eyes on me. All eyes on the nerdy poor Jeah Sharine Acosta. Ang babaeng namatayan na nga ng magulang, wala pang kapatid at wala pang kasama sa bahay. At binu-bully pa sa school. 

Kay ganda naman talaga ang buhay ko.

Umupo na lang ako sa upuan ko at inilagay sa arm chair ang lahat ng books ko. Dahil wala pa ang teacher ay binuksan ko muna ang libro ko sa literature para magbasa.

"'Yong nerd nagbabasa na naman. Akala mo ikakaganda niya," parinig agad ng iba.

"Yeah, right. Kahit anong basa niya riyan hinding-hindi siya gaganda." Tawa nila.

Mga pathetic! Seriously? Ano bang connect ng pagbabasa sa kagandahan? Nasisiraan na ba sila ng bait? Pathetic talaga! Ano namang ang gagawin nila sa itsura kung walang laman ang utak nila? Duh! Ang kikitid ng utak. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ko. Hindi kalauna'y dumating na rin ang teacher namin at nagsimulang mag discuss.

"By the way, class, I want someone who'll come with me in the next classroom to explain what I have explained here in your class today," biglang sabi ni Ma'am pagkatapos naming mag discuss.

"What do you mean, Ma'am?" tanong ko.

"Since ikaw ang nagtanong, Miss Acosta, ikaw ang dadalhin ko sa kabilang classroom para i-discuss ulit ang diniscuss ko dito ngayon. Nang sa ganoon ay malaman ko kung may nakuha kayo." Ngiti niya.

Bakit ako? Nagtanong lang naman ako, ah? Hindi na ba pwedeng magtanong ngayon at dire-diretso na lang si Ma'am?

"Go, Jeah!" Cheer ng mga plastik kong kaklase.

As if. Gusto lang nila akong mapahiya doon but that will never happen. Hindi man ako kasing talino ng iba pero may utak ako na ginagamit ko sa tama kaya naintindihan ko ang diniscuss ni Ma'am. Hindi ako mapapahiya at ipapakita ko 'yon sa gawa at hindi lang puro salita.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon