Maaga akong nagising at nauna pa sa katabi ko na hanggang ngayon ay tulog na tulog. Nakapag bihis na ako't lahat pero hindi pa rin siya gising. Kaya lumapit ako sa kaniya at tinapik ang pisngi niya.
"Quiah?" Tapik ko.
Mabilis naman siyang gumalaw at parang nagising talaga. Dahan-dahan niyang minulat ang mata niya at ngumiti agad nang makita ako.
"Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya.
" Indeed a good morning. Good morning, hon." Ngumiti siya sa 'kin at bahagyang umupo para mahalikan ako sa noo.
Palagay ko ay namula ang pisngi ko sa ginawa. Hindi ako sanay sa ganito, ano ba! Para tuloy na may lumilipad na paru-paru sa tiyan ko. Hay. Ang aga-aga nagpapakilig si Quiah kahit sa simpling gano'n lang.
"Tumayo ka na at maligo," kapagkuwa'y utos ko sa kaniya.
"Yes, hon." Tawa niya at tumayo.
Hinalikan muna niya ako ulit sa noo bago ngumisi at dumiretso sa banyo para maligo. Napailing na lang hindi dahil sa ginawa kundi dahil sa sarili ko. Sa simpling gano'n niya lang kasi kinikilig ako.
Para naman kaming mag asawa nito ang problema 'yong mag asawa kapag ginigising 'yong asawa nila ay may pagkain na pero kami wala. Alam niyo na, hindi marunong magluto ang inyong lingkod. Tss.
Habang hinihintay siyang matapos ay inayos ko rin ang buhok ko at tinali na lang pero 'yong kalahati lang, sa itaas banda. May iilang strands sa gilid akong itinira pagkatapos ay naglagay ako ng lipgloss. Hanggang ngayon 'di ka pa rin ako komportable sa na maiksi ang suot ko. Pero ano pa nga ba? Kailangan kong masanay dahil gusto ko rin naman ito.
Nakita kong lumabas na siya ng banyo at nakatapis lang kaya mabilis akong pumikit at sa sahig na lang tumingin. Grabi naman.
"Masanay ka na sa ganito." Halakhak niya na abot ata hanggang kabilang kalye.
"Magbihis ka na lang kaya, 'no? Tatawa-tawa ka pa r'yan,"nahihiyang ani ko at mas diniinan pa ang pagpikit ng mga mata.
"Yes, hon." Halakhak pa rin niya at narinig kong bumukas na naman ang banyo.
Tsk. Buti na lang at pumasok na siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero teka, abs ba 'yong nakita ko talaga? Hindi ko siya natitigan pero may nakita ako bago tumalikod.
Bakit parang ang dami naman no'n? Hala, hindi ko inaakalang makakakita ako ng gano'n sa personal. Wala naman kasi akong ibang kasamang lalaki sa bahay kaya first time 'yon. Wew! Pinagpapawisan ata ako ng malamig.
"I'm done."
Tumingin ako sa kaniya at nakabihis na nga siya. Naka uniform na nga. Tsk. Unfair naman. Ang gwapo-gwapo niya sa uniform niya. Kaasar! Habang ako,.ayoko na lang magsalita. Nakakaawa talaga.
"I know you can't cook at ipagluluto pa sana kita kaso baka ma late na tayo kaya daan na lang tayo starbucks?"
"Bakit nagugutom ka ba?" Kinunotan ko siya ng noo.
"Nope. Ikaw, baka gutom ka."
Hmm. Sweet. Iniisip niya talaga ako. Hindi pa naman ako sanay na may gumaganito sa 'kin. I mean 'yong may nagc-care sa 'kin maliban kay Jehanee at sa mga bata.
"Hindi talaga ako nagb-breakfast, Quiah," pagsasabi ko ng totoo sa kaniya. "Kaya diretso school na lang tayo."
Tumaas ang sulok ng labi niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaatras naman ako ng humakbang siya ng isang beses palapit sa 'kin. Kinabahan ako bigla.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...