Kabanata 51

333 8 0
                                    


Napakabilis nga naman ng araw kapag gusto ko 'yong tumagal pero kapag gusto mo 'tong bumilis, tumatagal. Gano'n nga yata talaga ang buhay, laging kung anong gusto mo ay hindi mo nakukuha at hindi ang siyang nasuusunod.

Huling araw na ngayon ni Jehanee dahil bukas ay ililibing na siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napipilit si Tita.

Umupo ako sa isang upuan sa bandang harap sa tabi ni Jeiro. Halatang walang tulog at pahinga si Jeiro. For days, nangayayat siya kaagad.

"Pumapayat ka," puna ko sa kaniya.

"Okay lang. Wala na rin namang rason para magpa-gwapo ako. Wala na ang mahal ko, e." He smiled at me bitterly.

Sa mga araw na nagdaan na lagi akong umiiyak, natutunan kong hindi sa lahat nang panahon na may iiyak at ngingiti nang mapait sa harap ko ay iiyak ako.

Na hindi sa lahat nang pagkakataon ay iiyak ako. Hindi dahil sa tanggap ko na kundi dahil sa alam kong hindi kailanman magugustuhan ni Jehanee na malungkot ako.

Kaya ginagawa ko ang lahat para 'di umiyak kahit ang sakit-sakit na.

"Kahit na, Jeiro. Your family is still here. Kung narito lang si Jehanee ay lalaitin ka no'n panigurado. Sasabihing ang pangit mo na at nagsisisi siyang binigyan ka pa niya nang ibang chance."

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.

"Kilalang-kilala mo talaga ang pinsan mo, Sharine. Nai-imagine ko mukha niya na kunot na kunot ang noo tapos sisigawan ako bigla na nagsisisi na siya na ako ang naging boyfriend niya kasi ang pangit ko." Humalakhak siya.

Napangiti rin ako. Nakakatuwang tingnan na tumatawa at ngumingiti na rin si Jeiro ngayon. Minsan ko lang kasi siyang makitang ngumiti, peke pa dahil ngingiti lang siya sa mga pumupunta dito.

"Minsan mo lang siya makitang hindi pikon, 'no?" dagdag pa niya.

Ako naman ngayon ang napahalakhak.

"Ikaw rin, kilalang-kilala mo rin ang pinsan ko, Jeiro. Totoong minsan mo lang siyang makitang hindi pikon. At 'yong mga panahon 'yon ay hindi ko alam dahil sa tuwing kayo ang magsasama, lagi na lang siyang nah-highblood."

"Oo nga," patuloy na halakhak niya. "Inaasar ko kasi lagi. Minsan tinutulak ko siya sa iba kasi ayokong isipin niya na hulog na hulog ako sa kaniya, baka sabihin niyang paglalaruan ko 'to kasi baliw na baliw sa 'kin." Sumeryoso bigla ang kaniyang mukha.

Ramdam kong sa ibang bagay na naman maoupunta ito.

"Minsan nga, inasar ko siyang kay Quiah na lang tapos ikaw naman sa 'kin para exchange gift kunware pero alam mo ginawa niya?" Ngumiti siya nang mapait at bahagyang sumulyap sa akin. "Ang ginawa ay hindi ako pinansin buong linggo. Kahit anong gawin ko, ayaw akong pansinin. Wala akong ibang maisip na paraan no'n para magkaayos kami at papunta na ako sa pag-kidnap sa kaniya para lang makausap siya." Huminga muna siya nang malalim.

Nahihirapan na naman siya. Naaalala niya kasi ang mga memories nila nang pinsan ko na noon ay hindi kaaya-aya ngunit ngayon ay nakakatawa na sana kung si Jehanee lang ang kaniyang ka kwentuhan ngayon.

"Buti na lang, kinabukasan kinsausap niya ako. Sabi niya, pasalamat daw ako at mahal na mahal niya kundi baka raw pina-salvage na niya ako sa Mommy niya."

Kasabay nang pagtawa ko ay ang pagbagsak na naman nang luha ko. Shocks! Sabi kong hindi na ako iiyak, e. Nakakainis talaga ang mga luhang 'to.

"Noon, naiinis ako sa maarteng ugali niya pero ngayon, gustong-gusto ko na. Gustong-gusto ko nang mag-inarte siya kasi naaaliw ako. Kapag napipikon siya kahit wala akong ginagawa ay natatawa ako. Doon ako na inlove sa kaniya, ang mga asaran at murahan namin ang naging daan para mahulog kami sa isa't-isa pero h-hindi naman ako aware na 'yon p-pala ang magiging dahilan para masaktan ako ng g-ganito..."

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon