Kabanata 70

427 10 0
                                    

Tapos na kami kumain ni Quiah. Nakahiga na ulit siya ngayon at namumutla na naman ang mukha. Kanina hindi naman ganiyan ang mukha niya at masigla pa nga.

"Quiah, okay ka lang ba?" tanong ko nang makitang hinihingal siya ng kaunti.

"O-Oo..."

Mabilis na dumantay sa 'kin ang matinding kaba. Natatakot ako dahil hinihingal talaga siya.

"S-Should I call the doctor? A-Anong nangyayari sa 'yo?" tarantang tanong ko.

Dahan-dahan siyang umiling. Agad na lumandas ang luha sa mga mata ko. Natatakot ako sa kalagayan niya. Kaya kahit umiling siya ay tumakbo ako palabas at nagtawag ng mga doctor.

Ilang sandali pa ay nagmamadali na silang tumakbo papunta sa kwarto ni Quiah. Papasok na sana ako kasunod ng nga doctor pero nang makita ko ang mukha ni Quiah na nahihirapan sa paghinga ay bumaliktad ang sikmura ko.

Ayokong makita siya sa gano'ng kalagayan. Napahagulgol ako at umatras para hindi ko na siya makita. Nanatili na lang ako sa labas ng kwarto niya at tahimik na humahagulgol.

Lord please, keep Quiah safe. Hindi pa po ako handa. Please.

Napapikit ako ng mariin. Gustong-gusto kong pumasok at puntahan si Quiah para may kasama siya roon na lumaban pero hindi ko kaya. Nanghihina ako.

Sorry, Quiah. Sorry for leaving you. Hindi ko lang talaga kayang makita kang nahihirapan.

"Jeah?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang oamilyar na boses ng Mommy ni Quiah.

"M-Mommy, please puntahan mo si Quiah sa loob. Please. Please, samahan mo siya. M-Mommy, p-please..." hagulgol ko.

Mabilis na nanlaki ang kata niya at agad na binuksan ang pinto para pumasok. Sumund rin ang asawa niya na halata ang pag-aalala.

Gusto kong kutusan ang sarili ko ngayon. Ngayon ko napatunayan na ang duwag ko pala. Ang duwag ko. Sa panahon ganito ay dapat ako ang kasama ni Quiah na lumalaban pero heto ako at nasa malayo lang.

Nahihirapan na rin akong huminga. Napaupo ako sa sahig sa kawalang pag-asa. Nawawalan na ako ng pag-asa na makakaya ko pang pumasok.

"Q-Quiah, please lumaban ka. A-Anak, please..."

Napapikit ako at tinakpan ang tenga ko. Hindi ko kakayanin ang mga pakiusap ni Mommy.

Quiah, lumaban ka. Mahal, lumaban ka.

Sana rin kaya kung lumaban. Wala akong ibang magagawa sa oras na 'to kundi magdasal ng paulit-ulit.

Lord, I am begging you please... Hindi pa ako handa. Walang may handa, Lord. Please.... Huwag muna.

Patuloy lang ako sa paghagulgol. Nakayuko ako at tinatakpan pa rin ang dalawang tenga ko. Naniniwala akong hindi pa ngayon. Naniniwala ako dahil hindi ko pa kaya.

Mabilis pa sa kidlat akong napatayo nang maramdamang bumukas ang pinto. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

"Pwede ka na pumasok," ani ng doctor at iniwan ako kasama ang mga nurses.

Nanginginig ang tuhod na humakbang ako papasok. Nasa pinto pa ako ng makita ko si Mommy na nakayakap kay Quiah na nakahiga sa kama. Nakapikit ang mata nito.

Tumulo ulit ang masasagana kong luha. Napaluhod ako sa pinto at napahagulgol.

"Q-Quiah..."

Ang hirap pala nang makita mong ganito na ang nangyayari sa kaniya pero wala kang alam kung anong sakit niya. Ayaw niyang sabihin at naiintindahan ko 'yon. Pero ngayon ganito na ang nangyayari, hindi ko na alam ang gagawin ko.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon