Kabanata 46

373 14 0
                                    


Plano ko pa sanang puntahan si Jehanee at kausapin rin siya pero nawalan na ako nang lakas. Baka matulad lang sa pag-uusap namin nang Mommy ni Quiah.

Umuwi na lang ako. Sakto namang pagkarating ko sa gate ay nakita ko ring palabas si Gia.

"Oh, Jeah? Saan ka galing?" bungad niya sa 'kin.

"Wala naman. Nagpapahanging lang." Ngiti ko nang pilit sa kaniya.

"Ah." Tango niya. "Oh, siya aalis muna ulit ako. May aasikasuhin lang."

"Saan?" agad na tanong ko.

"Bakit? Gusto mong sumama?" Ngisi niya.

"Nagtatanong lang, e." Ngiwi ko. "Sige na, humayo ka na. Mag-iingat ka."

Ngumiti lang siya at sumakay sa kotse. Habang ako naman ay pumasok at dumiretso sa kusina para uminom nang tubig.

Medyo, masama ang pakiramdam ko. Namamalat ang lalamunan ko at masakit rin ang ulo ko. Pagkatapos kong uminom nang tubig ay umakyat na ako sa itaas at tiningnan ang kalagayan ni Quiah.

He's still asleep. Grabi naman matulog ang isang 'to. Nakaalis at nakauwi na ako't lahat, siya tulog pa rin.

Tumabi ako sa kaniya nang higa at nagkumot para sa aming dalawa. Mabigat masyado ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung sa iyakan at sagutan ba namin 'to nang Mommy ni Quiah o dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Neitherless, kailangan kong magpahinga.

Tumalikod kay Quiah at ipinikit nang dahan-dahan ang mga mata ko. Ah! I hate headache.


Nagising ako nang sobrang bigat na talaga nang pakiramdam ko. May pilit na yumoyugyog sa balikat ko.

"Hon? Hon?"

Alam kong si Quiah pero dahil sa sakit nang ulo ko ay ayaw kong buksan ang mata ko. Labis rin akong giniginaw na nanginginig na ako.

"Q-Quiah.." mahinang daing ko sa pangalan niya.

"Hon? Hon, open your eyes. Don't close it. Hon?"

Gusto kong makinig sa kaniya pero sobrang nanghihina na ang katawan ko at gustong-gusto ko nang pumikit.

Parang mabibiyak sa ulo ko ang sakit.

Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko at hindi inalintana ang sinisigaw ni Quiah dahil sa takot.




Nagising ako dahil sa ingay na nasa labas. Pinakiramdaman ko ang sarili at katawan ko pero masakit pa rin siya nan mg kaunti.

"Mommy, you are not allowed to see her. Only me and the doctor are allowed," rinig kong ani nang boses ni Quiah.

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko dahil kaya ko na naman at nakita kong nasa isang pamilyar na kwarto ako.

Kwarto namin ni Quiah sa bahay kung saan kami tumira rati.

Anong ginagawa ko rito? Dito ba ako dinala ni Quiah dahil sa takot niya?

"Why not? I only want to see and talk to her," sagot naman nang Mommy niya.

Sa tawag ni Quiah at sa boses pa lang nang babae, alam ko nang ang Mommy niya 'yon. At nasa labas sila nang pinto nag-uusap.

"Mommy, you told me yourself na nagkasagutan kayo kahapon at baka 'yon ang naging dahilan para lagnatin si Jeah kaya bawal kang pumasok. Sa susunod na lang kapag magaling na siya."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Quiah. Is he accusing her mother to be the reason of my fever?

Ayaw na ayaw kong makinig nang usapan pero hindi ko naman mapigilan dahil ang lalakas nang boses nila at ang lapit lang dahil nasa labas lang naman nang pintuan.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon