Two hours after ay talagang bumalik si Jeiro may dala itong paperbag na sa pakiwari ko'y damit ko. Sa likod niya ay si Gia na nakabihis at hindi na halatang umiyak dahil fresh na ulit ang mukha. Gano'n rin naman si Jeiro na fresh na fresh na rin ang mukha.
"Why are you here, again? Akala ko ba naaasar ka sa 'kin?" Ngisi ni Quiah na ang paningin ay kay Gia.
Naku talaga 'tong lalaking 'to. Walang magawa.
Inirapan siya ni Gia. " Kung hindi lang ako tinawagan ni Jeiro para manghingi ng tulong sa pagpili ng damit ni Jeah ay hindi ako babalik dito. Sino ka ba para balikan?"
"Sino?" Halakhak ni Quiah. "Ako lang naman ang lalaking hinalikan mo dati sa lab—"
"Shut it, Quiah!" agad na sigaw ni Gia.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang tawa. Ngayon naaasar si Gia pero kung dati pa 'to ay mangingisay siya sa kilig.
"Tama na 'yan. Papatayin mo sa pagkaasar si Gia, Quiah. At saka huwag mo na isipin ang paghalik ni Gia sa 'yo kasi nandiyan ang girlfriend mo sa gilid. Baka isipin niyan nagustuhan mo 'yong halik ni Gia," singit ni Jeiro.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ni hindi ko nga 'yon naisip. Napatingin ako kay Quiah at lumipad ang braso niya sa bewang ko.
"No. Hindi ko nagustuhan 'yon. Halik lang ni Jeah ang gusto k—"
"Oo nga. Halik nga ni Gia ang gusto mo." Tango naman ni Jeiro.
"Oo nga—" natigilan si Quiah at kumunot ang noo. "Which Jeah are you talking about?"
Napatawa ako ng mahina. Magkasingtunog naman kasi talaga ang pangalan namin ni Gia kaya talagang malilito si Quiah.
Nakita ko ring unti-unting sumisilay ang ngisi sa labi ni Jeiro. Confirmed. Ibang Gia ang tinutukoy. Si Gia sa likod ay panay irap, hindi nagugustuhan ang pagbabalik namin sa kahihiyang nagawa niya sa nakaraan.
"Basta halik ng fiancè ko ang gusto ko. Hindi ni Gia na nasa likuran mo. Basta ni Jeah Sharine Acosta. Wala ng iba," pagkaklaro ni Quiah.
Tumango ako. Kahit naman 'di niya sabihin alam na alam ko. Adik nga siya sa halik ko laging nanghihingi.
"Sige. Magsialis na nga kayong dalawa. Magc-cuddle pa kami ng fiancè ko, e." Nguso ni Quiah.
Agad na sumama ang mukha ng dalawa. Initsa ni Jeiro ang bag sa sahig at naglakad palabas ng walang pasabi. Naaaar yata sa sinabi ni Quiah. Si Gia naman ay bumeso pa sa 'kin bago inirapan si Quiah at lumabas. Hindi talaga nawawala ang pagkaasar niya kay Quiah.
Pagkawala nila ay agad akong hinila ni Quiah pahiga.
"Quiah!" bulalas ko.
Bigla-bigla siya. Nakakagulat. Baka maabutan kami ng doctor na ginagano'n niya ako. Tumawa lang siya at hinalikan ako sa noo.
"Magbihis ka na ng damit. Naaakit ako riyan sa gown mo, e." Sinulyapan niya ang suot ko.
Nanlaki ang mata ko sa bulgaran niyang pagsasalita. Mabilis akong umupo at bahagyang tinakpan ang dibdib.
"Quiah, hindi ako natutuwa sa mga salita mo, ah," banta ko.
"Why?" Halakhak niya. "I am just telling the truth. I don't wanna lie to my fiancè."
Umirap ako. Lumusot pa. Tumayo na lang ako at kinuha ang paper bag sa sahig at pumasok sa banyo ng hindi siya nililingon. Ang bibig talaga ng lalaking 'yon.
Pagkatapos ko magbihis ng shorts ay loose na T-shirt ay lumabas na ako. Hindi ko alam kung bakit ito ang dinala nina Jeiro at Gia na alam naman nilang hospital 'to at hindi fashion show pero wala akong choice. Iisang pares lang ng damit ang dinala nila.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...