Sumama sa 'kin ang mga bata pauwi na ikinasaya ko ng sobra. Finally, hindi na ako magiging mag-isa sa bahay at saka nakatulong pa ako.
"Wow! Ang laki po ng bahay niyo, Ate," puri nila pagkapasok namin sa bahay.
"Malaki nga pero ako lang mag-isa. Sige maupo muna kayo diyan sa sofa at ikukuha ko kayo ng tubig." Ngiti ko.
Tumango sila at umupo sa sofa. Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng tubig at babalik na sana sa kanila ng makita kong ang saya saya nila na pa talon talon sa sofa. Mukhang naninibago. Nakangiti lang ako nagmasid sa kanila. Kahit pala hindi maganda ang plano ng lokong 'yon ay may magandang naidulot sa 'kin. May nakita akong mga bata na mukhang magpapasaya sa araw-araw ko. Lumapit na ako sa kanila.
"Kids, tama na muna 'yan. Uminom muna kayo,"
Mabilis silang tumigil at lumapit sa 'kin. Binigyan ko sila ng tubig. Nakilala ko na silang lima kanina habang pauwi kami. Si Gina ang pinaka matanda na 8 years old. Pangalawa si Gino na 7 years old. Pangatlo si Leo na 6 years old. Pang apat si Leah na 5 years old at panghuli. Ang pinaka-cute na si Alea na 4 years old lang.
"Kids, inaantok na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang nakaupo kaming lahat sa sofa.
"Opo. Antok na po ako," sagot ni Alea na ikinangiti ko.
"Okay. Matulog na kayo." Ngumiti ako at kinarga si Alea na parang anak ko.
Nagsimula na akong umakyat sa hagdan at sumunod naman sa 'kin ang mga bata. Pumasok ako sa kwarto ko no'ng bata pa ako. Iba kasi ang kwarto ko no'ng bata at iba rin ngayong paglaki. Mas maganda ang kwarto ko no'ng bata ako kasi lahat pink at maraming laruan.
"Wow! Ang ganda! Ang daming toys!" sigaw nila at kinuha ang mga laruan sa sahig.
Natatawang inilapag ko si Alea sa sahig.
"Simula ngayon. Si Gina, Lea, at Aleah ay dito matutulog," anunsiyo ko.
Mabilis namang tumalon-talon sa saya ang mga bata. Ang saya kapag may mga bata. Kung alam ko lang dati ay sana nag ampon na ako pero wait? Pwede naba ako mag ampon dati na minor pa ako?
"At ang boys naman ay sa kabilang kwarto." Ngiti ko.
"Pwede po bang puntahan na namin?" excited na tanong ni Gino.
Tumango ako kaya mabilis silang tumakbo doon at naiwan ako kasama ang mga babae sa kwarto ko rati.
"Maligo muna kayong tatlo at ihahanda ko ang mga damit ninyo."
Tumango sila at isa-isang pumasok sa banyo. Natawa ako at napailing. Sana ganito lagi. Pumunta ako sa closet ko at kumuha ng mga damit ko noong bata. Tatlong pares ng pantulog ang kinuha ko at inilagay sa kama.
Pumasok ako sa banyo at natawa ako sa ginagawa nila. Ang bathtub ko ay nilagyan nila ng tubig galing sa shower pagkatapos ay kumuha sila ng tabo at gamit ang tabo ay kumuha sila ng tubig sa bathtub. Napahagalpak ako sa nasaksihan ko. Hay. Mga inosenteng bata. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang tabo sa mga kamay nila.
"Bakit po, Ate?" inosenteng taning ni Gina.
"Hindi ganiyan ang dapat gawin." Tawa ko. "Sige pumasok kayong tatlo sa bath tub."Sumunod naman agad sila at pumasok sa bath tub. Nilagyan ko ng tubig ang bath tub at mukhang namangha pa sila. Natawa ulit ako at pinatay ang shower kasi nababasa na ako.
"Ganiyan dapat. Sige maligo muna kayo. Pagkatapos niyong maligo ay magbihis na kayo, ah. Nasa kama ang mga damit niyo. May towel rin dito. Puntahan ko lang ang mga kapatid niyo sa kabilang kwarto," paalam ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...