Kanina pa ako hindi mapakali at hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam pero naiyak na lang ako bigla nang makita kong yakap-yakap ni Quiah ang damit ko kanina.
It was such a beautiful scenery to see.
Gustong-gusto ko na siyang patawarin. Gustong-gusto ko na siyang yakapin gaya ng dati. Gusto ko nang ngumiti sa kaniya na parang dati lang. Pero hindi ko kaya. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing iniisip ang mga ginawa niya. At sa timuwing naiisip ko na hanggang ngayon may itinatago pa rin siya sa 'kin.
Nakikita kong mahal niya ako at gusto ko 'yong panghawakan pero natatakot ako. Nakakatakot magmahal ng taong masikreto. Nakakatakot magmahal nang taong paiba-iba ang isip at desisyon. Natatakot akong patawarin siya dahil baka mamaya o bukas ay itapon niya lang ako bigla dahil ayaw na niya sa 'kin.
He maybe sweet to me now but I am not sure tomorrow and later. Bumaba ako sa kama at pinahid ang luha ko. Ayoko na munang umiyak. Tama na muna. Gusto ko maglinis para ma convert ang atensiyon ko at makalimutan ko muna ang sakit. Nagsimula ako sa baba na maglinis. Ayoko munang isipin ang sakit sa puso ko.
Gusto kong makalma ang utak ko at dahil wala akong ibang nagawa ay maglilinis na ako. Tapos na ako sa baba at nasa hagdan na naman ako. Nasa gitna na ako banda nang marinig ko ang boses ni Quiah.
"What are you doing, hon?"
Tumigil ako sa pagpupunas ng hagdan at nagtaas ng tingin sa kaniya pero napaiwas rin agad ako ng tingin nang makitang wala siyang pang-itaas na damit. "M-Maglagay ka nga damit, Quiah," saway ko at pinagpatuloy na lang ang pagpupunas sa sahig.
Narinig ko ang halakhak niya at ang yapak niya habang pababa. Kumabog nang mabilis ang puso ko habang papalapit siya.
'Wag kang lalapit, Quiah! Pero hindi nangyari ang hiling ko nang sinadya nang umupo sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpupunas.
"Hon?" tawag niya.
"Ano?" striktang tanong ko.
"Look at me," aniya.
"Busy ako, Quiah, 'wag kang magulo."
Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko na siyang nagpupunas sa hagdan.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. "Ano bang kailangan mo?"
"Why are you so grumpy?" Tawa niya at bahagyang hinila ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako kahit hindi na magkamayaw sa pagtibok ng malakas ang puso ko. "Upo ka dito." Pagpag niya sa hita niya.
Nanlaki ang mata ko mabilis na hinawi ang kamay niyang nakakapit sa kamay ko.
"Hon..." Nguso niya.
"No," matigas na ani ko at magpupunas na sana ulit nang hawakan niya ulit ang kamay ko.
"Ano ba, Quiah!" reklamo ko at iwinaksi ang kamay niya ulit.
"Hon, naman..."
Napabuntong hininga ulit ako, mas malalim na ngayon. Tumingin ako sa kaniya gamit ang bored kong tingin.
"Hindi mo ba nakikitang naglilinis ako? Nanggugulo ka, Quiah," seryosong ani ko.
Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. "Naglalambing lang, e." Bulong niya na narinig ko pa rin naman.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...