Kabanata 35

409 15 0
                                    

Naiinis na naman ako kay Quiah.

Lagi-lagi na lang niyang pinaparamdam sa 'kin na minsan may halaga ako minsan wala. Katulad ngayon nasa sofa ako nakaupo habang sila ni Gia ay nasa labas at may pag-uusapan daw. Naiinis ako kasi gusto kong umalis pero ayaw naman ng paa ko. Gusto kong iwan sila rito pero ng utak ko kasi nagdududa siya. Hindi ko na tuloy natuloy ang pag-alis ko kanina. Kainis.

Kanina pa sila roon at mukhang seryoso naman ang pinag-uusapan nila dahil seryoso naman pareho ang mga mukha nila. Wala ring physical touch na nangyayari. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkakalikot ng cellphone ko. Saktong-sakto naman na tumunong ito. Nakita ko ang pangalan ni Jehanee kaya nag-alangan pa ako pero 'di kalauna'y sinagot ko rin naman. 

"H-He---" 

"Hi, Ate Jeah. We missed you." 

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang boses na 'yon. "Gina?" gulat na tanong ko. 

"Yes, Ate. This is me." Tawa niya. 

Kung nagulat ako sa pagtawag niya gamit ang numero ni Jehanee ay mas nagulat naman ako ngayon sa tuwid na page-English niya. 

"How are you? Nasaan kayo bakit numero ni Ate Jehanee niyo ang gamit mo?" sunod-sunod na tanong ko. 

"Okay naman kami, Ate Jeah. At saka nandito kami sa bahay mo. Pinasyal kami ng Mommy ni Ate Jehanee rito sandali pero uuwi rin kami mamaya sa kanila."

"Pinasyal? Pinasyal lang? Anong uuwi?" takang tanong ko sa kaniya. 

Napaayos pa ako ng upo sa mga sinasabi ni Gina. 

"Ano po kasi, Ate. Ah, paano ko ba e-expla---" 

"Let me talk to your Ate, Gina," rinig kong ani ng Mommy ni Jehanee. 

"Hello, Tita?" agad na ani ko. 

"Yes, honey?" 

"Tita, anong sinasabi ni Gina na pinasyal mo lang sila at uuwi rin sila mamaya? Saan sila uuwi, e 'yan ang bahay nila?" takang tanong ko, naguguluhan na ng lubos. 

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya na mukhang tuwang-tuwa siya. 

"Inampon ko na sila, honey." 

"Ano?" hindi napigilang sigaw ko dahil sa gulat. 

"Yes. Inampon ko na sila---" 

"Hintayin mo 'ko riyan sa bahay, Tita." 

Mabilis kong pinatay ang tawag at pumunta sa band anila Quiah. 

"Yes. Kailangan mong alagaan--" 

"Quiah, pupunta muna ako sa bahay namin. Babalik rin ako agad," pagpaalam ko na naputol pa ang sinasabi ni Gia. 

Kumunot ang noo ni Quiah ganoon rin kay Gia. "Iiwan mo kami ritong dalawa?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Gia.

"Babalik rin ako agad. Bago pa kayo makagawa ng kalokohan, narito na ako." Irap ko sa kaniya. 

Tumawa naman siya ng malakas at pi-nat ang braso ni Quiah. Mabilis na tumalim ang tingin ko roon na tinawanan lang ni Gia.

"Sa susunod na lang natin tapusin Quiah at mukhang may lakad na importante ang mahal mong asawa." Halakhak niya. 

"Anong mahal na asawa? At saka ako lang naman ang may lakad hindi kasama si Quiah kaya pwedeng tapusin niyo 'yang pinag-uusapan niyo." 

"Hon, sama ako." Nguso ni Quiah. 

Kinunotan ko siya ng noo. He's acting like this again. 

"'Di ba may pinag-uusapan kayo? Edi maiiwan ka." 

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon