Kabanata 64

291 11 0
                                    


Palapit na nga palapit ang kasal namin ni Quiah. After this weekends ay isang linggo na lang bago ang kasal.

Mas lalo tuloy akong naging busy. Minsan ko na lang mapagtuunan ng pansin ang assignments ko kasi kung saan-saan na ako dinadala ni Mommy ni Quiah at ni Tita for preparations.

Habang si Quiah ay naiiwan lamang bahay at kasama ang Daddy niya lagi. Sa kanila na rin kami panay tulog ngayon. Buti wala ng lagnat si Quiah.

Pagod na pagod ako ng makauwi kami no'ng gabi. Si Tita ay dumiretso na uwi sa bahay nila mukhang pagod na pagod rin.

Galing pa kaming food tasting. Nakakapagod pala talaga ikasal, 'no? Kung hindi lang ako tinulungan nina Mommy at Tita, nako, ewan ko na lang kung may kasal na matutuloy.

"Mukhang pagod na pagod ang reyna at prinsesa ko, ah?" biglang sulpot ng Daddy ni Quiah sa gilid namin.

Bahagya pa nga akong napaigtad. Nag-beso suya sa 'kin at gano'n rin kay Mommy ni Quiah.

"Good evening po, Tito," nahuhuling bati ko.

Mabilis siyang lumingon sa 'kin at umiling. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Oo nga pala.

"D-Daddy," pagtatama ko. "Good evening po, Daddy."

"Good." Ngisi niya.

Ngumiti na lang rin ako. Simula no'ng gumaling si Quiah sa lagnat ay Daddy na ang gusto niyang itawag ko sa kaniya gano'n rin ang Mommy ni Quiah.

Naiilang pa ako kasi bigla-bigla naman kasi. Hindi ko pa nga sila masyadong nakakahalubilo, except sa Mommy ni Quiah na halos araw-araw ko na kasama at kausap ngayon pero siya? Hindi kaya.

Pero siguro, I really need to adjust already since Daddy siya ni Quiah at ikakasal na rin kami. He's so nice to me rin naman kaya walang rason oara mailang ako.

Maliban na lang talaga minsan sa oabg-aasar niya sa 'min ni Quiah na magkaapo na. Gusto niya na raw ng gano'n.

Gusto niya na may lalaruin na siya na maliit na bata. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi rin namaj 'yon magtatagal. Siyempre, ikakasal na kami ni Quiah.

Itanggi ko man, alam kong kailangan ko rin 'yon ibigay. Sobrang blessed ko pa nga at hindi ako pinipilit ni Quiah.

"Nasaan nga po pala si Quiah, Daddy?" bigla ay tanong ko.

Hindi ko pa nakikita ang lalaking 'yon. Imposibleng tulog na e usually, naghihintay naman 'yon sa 'kin.

"Ah, may binili lang. Pauwi na rin yon, princess." Ngiti niya.

Pakiramdam ko namula ako sa tinawag niya sa 'kin. Ang cute lang kasi pakinggan. Ang ganda sa tenga at sa pakiramdam.

"Ah, okay po." Tango ko at sumandal muna sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mata.

Nag-uusap lang ang parents ni Quiah habang ako busy kakapikit. Ang sakit kasi talaga ng katawan ako ngayon.

Parang ang sarap lang na humiga na sa malamvit na kama at tumihaya at magpa-masahe.

"I'm home!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi na kailangang ibukas ko pa ang mga mata ko.

Naramdamaan kong dumaan siya sa harap ko. Bumeso siguro sa magulang. Ako ay patuloy lang na pumipikit.

"What happened to my baby? Bakit mukhang pagod na pagod 'to?" Umupo siya sa tabi ko at hinalikan ako sa sintido.

"Napagod ngayong araw kaya huwag mo na gambalain. Hayaan mo munang magpahinga," sagot naman ng Mommy ni Quiah.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon