Alam kong gustong-gusto na ni Quiah na magpaliwanag pero may pumipigil sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano 'yon.
Baka dahil akala niya galit ako o ano. Nakauwi na kami't lahat pero parang nahihirapan pa rin siyang makipag-usap sa 'kin. Kanina pa siya sa kotse oanay ang tikhim.
Pagdating sa bahay ay naglinis agad ako nang katawan ko. Gano'n rin naman siya. Gabing-gabi na pero okay lang.
Nang gabing 'yon ay nakatulog kami nang walang pansinan. Okay lang rin sa akin kasi mukhang hindi pa rin siya handang makipag-usap talaga tungkol doon.
Pagdating ko sa school ay nakita ko na si Jeiro. Finally.
"Oy, Jeiro," tawag ko sa kaniya habang nag-iisa siyang naglalakad papunta sa classroom niya.
Kawawa naman. Dati kasi magkasama sila ni Quiah lagi kaso ako na laging kasama ni Quiah ngayon kaya gano'n. Wala na rin ang pinsan ko na lagi niyang kaaway pero kasama sa paglalakad bawat umaga.
"Hi," bati ko kaagad nang makalapit kami si Quiah.
"Hey, good morning," aniya rin at ngumiti.
Nagtanguan sila ni Quiah.
"Sabay na tayo," ani ko at nagsimulang maglakad. "Kamusta ka na, Jeiro? Buti pumasok ka na ngayon," ani ko.
"Oo nga, e. Na-realized ko lang na hindi magandang absent ako nang absent. Jehanee will be mad."
Tumango ako. "Tama 'yan. Continue your life just like what I am doing. Malalabanan rin natin 'to." Ngiti ko sa kaniya.
"Hm." Tango niya at ngumiti rin.
Pagdating namin sa harap nang classroom namin ay nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Jeiro. Gano'n pa rin sila ni Quiah, nagtanguan lang.
Pumasok na kami. Gia greeted me with a smile and to Quiah too. But not in a flirting way this time.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay sumunod rin si Quiah na wala pa ring imik. Hinahayaan ko lang talaga siya at baka nag-iisip siya nang rason.
Nagsimula na ang klase at nakinig na lang din ako kahit minsan ay sumasagi talaga sa isip ko si Jehanee. Nami-miss ko na siya.
Lunch time when we met Jeiro at the canteen. She's with Gia but they don't look like flirting. They're just talking casually. Umupo kami ni Quiah sa harap nila nang hindi nagpapaalam.
"Hey, love birds," agad na bati ni Jeiro.
Nginitian ko si Jeiro at Gia.
"Hay salamat naman at nandito na kayo," hinga ni Gia.
"Oh, bakit?" Kunot noong tanong ko sa kaniya habang umuupo.
"Hindi kasi siya mapakali kasi 'yong ibang students raw nakatingin sa kaniya. Baka raw iniisip na nilalandi niya ako." Halakhak ni Jeiro.
Natawa rin ako. Na trauma yata si Gia no'ng kay Quiah. Ayaw na ma-issue na nanlalandi.
"E, kasi naman ayoko na ma-issue. Baka ano pa sabihin no'ng bago kong crush." Nguso ni Gia.
Nanlaki ang mata ko at natigilan sa pagkain dahil nagsimula na naman akong kumain.
"May bago ka nang crush?" gulat na tanong ko.
Ngumisi siya at tumango. May ininguso siya sa likuran ko kaya sinundan namin 'yon nang tingin kasali na si Quiah.
"Siya 'yong gusto ko." Hagikgik niya, mukhang kinikilig.
"Ano?" Natatawang tanong ni Jeiro.
Wala na. Alam ko na 'tong sasabihin ni Jeiro.
"Bakit? May mali ba sa kaniya?" Nguso ni Gia.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...