Mabilis na dumaan ang mga araw at hindi ko man lang namalayan na isang linggo na pala akong nakikitira sa bahay nang Ate ni Gia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay ni Jehanee. She's still avoiding me. Habang si Jeiro, isang linggo ko na ring hindi nakikita.
At si Quiah, isang linggo na rin akong pa ulit-ulit na sinasaktan. He always bring his new girlfriend to school. Kaya araw-araw sila ang topic sa buong campus. How sweet they are. How perfect looking they are. Tanyag na tanyag sila sa campus ngayon.
Lahat na yata supurtado ang relasyon nila. Habang no'ng kami pa? Sino g sumupurta? Sina Jehanee at Jeiro lang. Lalo lang nilang pinapamukha sa 'kin na hindi talaga kami ni Quiah ang para sa isa't-isa. Balik sa dating gawi ako.
Kapag lunch sa library ako tambay at bumibili lang ako nang isang presto sa canteen. Balik ako sa walang kain sa umaga at sa tanghali. Sa hapunan lang. Paano ba naman, pareho kami ni Gia na walang talent sa pagluluto. May pa grocery-grocery pang nalalaman ang babae. At sa gabi, oorder lang kami. Isang linggo na namin 'yong ginawa.
Akala ko pa naman luto niya 'yong kinain namin no'ng second day ko sa bahay nang Ate niya. Umupo ako sa dating pwesto ko sa library at binaba ang books ko. I am trying to convert my attention sa books ko kesa naroon ako sa labas at patuloy na nasasaktan sa naririnig at nakikita. Binuksan ko ang presto na nabili ko at kinuha ang isa at kinagatan bago nagsimulang magbasa nang libro.
I need to focus on my studies.
Hindi ako pwedeng magpabaya at magpadala sa sakit. Nasa kalagitnaan na ako nang binabasa ko nang may maglapag nang books rin sa table na inuukupa ko. Nagtaas ako nang tingin at natigilan ako nang makita si Jeiro.
"J-Jeiro?" gulat na tanong ko.
Hindi ko na siya nakita simula no'ng may nangyari kaya nakakagulat ang presensiya niya ngayon sa harap ko.
"Pwede bang maki-share nang table?" Ngiti niya.
Wala naman akong galit kay Jeiro. He just confessed but he didn't do anything wrong. No'ng kami pa ni Quiah, hindi ko naramdaman na sinubukan niya kaming paghiwalayin.
I nodded and his smile become wider.
"Thanks."
Umupo na siya sa harap ko na malaki pa rin ang ngiti. Kinakabahan ako sa presensiya niya. Baka kasi magalit na naman si Jehanee. Pinilit ko na lang ang sarili kong magbasa ulit.
At nagtagumpay sana ako pero natigil rin nang magsalita di Jeiro.
"Jeah, balita ko wala na kayo ni Quiah."
Bakit hindi man lang ako nagulat sa tanong niya? Is it because I am already expecting this from everyone and that everyone is including him?
"Hm." Tango ko na lang, wala nang ibamg masabi.
"So, totoo nga?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ibinaba ko ang libro ko at binigyan siya nang pansin.
"Anong totoo nga?" I asked him, curious.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...