Kabanata 21

538 21 0
                                    


Nandito na kami sa Dean's office ngayon together with the guy who kissed me and his parents as well as Quiah na kanina pa hindi maipinta ang mukha nang masilayan ang pagmumukha no'ng kaklase niya.  Ako nasa labas lang at naghihintay sa kanilang matapos dahil bawal nga raw ako doon pero nakikita ko naman sila mula sa labas kaya nga nakikita ko ang mukha ni Quiah pero nang magsimula na sila sa usapan ay hindi na ako tumingin.

Kanina pa sila do'n pero hindi pa lumalabas hanggang ngayon. I even heard Quiah's voice. Mukhang galit o ano. Gustong-gusto ko pumasok pero ayaw  pumayag ni Dean. Kinakabahan ako sa maaaring maging resulta ng usapan nila.

Hindi nagtagal ay lumabas na 'yong pamilya nang lalaking humalik sa 'kin at siya rin.  Mabilis silang naglakakad palayo at hindi rin maipinta ang mukha ng mga magulang no'ng lalaling humalik sa 'kin. Sunod na lumabas ay si Quiah na mukhang galit.

"A-Ah kamusta?" Kinakabahang tanong ko sabay lapit sa kanya.

"He'll sue me."

Parang nabingi ako sandali sa narinig ko. Kakasuhan? Para do'n lang? I mean it's really not lang kasi nabugbog siya pero siya ang nauna! He kissed me!

"Anong sabi ni dean? Anong sabi ng mga magulang mo? Did they agreed---"

Natigil ako sa pagtatanong ng lumabas naman ang mga magulang ni Quiah galing sa office. Hindi naman sila mukhang galit at kalmado lang. Ibang-iba kay Quiah.

"They're gonna sue my son for beating up their son." Turo ng Daddy niya sa nakaalis nang mga magulang no'ng taong humalik sa 'kin.

"Grabi. Paano na 'yan ngayon, Tito?" kinakabahang tanong ko. "I mean anong gagawin natin? May paraan ba para 'di nila ituloy ang kaso?"

Tumingin sa 'kin si Quiah at ngumiti. Hindi niya sinagot ang tanong ko at basta na lang yumakap lang siya sa 'kin.

"A-Ah? O-Okay ka lang. Bakit parang hinihingal ka?" Bulong na tanong ko sa kaniya, nag-aalala na sa inaakto niya.

"I-I'm good. Gusto kong umuwi, hon," mahinang sagot niya.

Hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin. Hinihingal siya at 'di ko alam anong gagawin. Baka dahil galit na galit siya at gusto niyang sumigaw pero ayaw niya. Tumingin ako sa mga magulang niya at nakatingin lang rin sila sa 'min na parang normal lang ang lahat.

"Okay sige. Uuwi  na tayo," anunsiyo ko.

"No," agad na sagot niya na nagpakunot sa noo ko.
"Ako lang. Ako lang ang uuwi. Pumasok ka ngayon dahil nakapag-cut ka na ng classes last time dahil sa 'kin."

Kumalas ako sa yakap niya at pinaharap siya sa 'kin. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya.

"Hindi rin ako matatahimik dito kung mauuna kang umuwi kaya uuwi tayo ng sabay, hm?" pagpapaintindi ko.

"Son, hija, mauuna na kami sa inyo," paalam no'g Mommy niya.

"Sige po. Susunod na po kami." Ngiti ko.

Tumango sila at isa-isang nagbeso sa 'min bago umalis nang tuluyan. Pagkawala nila sa paningin namin ay saka ko lang tiningnan si Quiah ng seryoso.

"May problema ka ba? Bakit matamlay ka ata ngayon? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko.

"Nothing. Sige na pumasok ka na at uuwi na rin ako," pilit na ngiti niya.

"Sama ako sa 'yo." Nguso ko, gusto nang sumama.

Totoo namamg hindi rin ako matatahimik rito kung iiwan niya ako. My mind will fly and will always think about him kaya wala ring silbi.

"No. Papasok k-----"

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon