To: The Person Who Owns My Heart, Jeah Sharine Acosta.
Hey, first of all and the most important of all, I love you. I love you so much, hon. Sorry for leaving you this early, it's just that our life isn't in our hands.
Nasasaktan akong iwan ka ng ganito kaaga dahil alam kong hindi mo pa matatanggap. Alam kong hindi mo pa kakayanin pero kasi, hon, wala na sa kamay ko ang desisyon. Hindi pa rin ako handang iwan ka at mawalay sa piling mo pero ito na ang kapalaran ko.
You've been nothing but a good girlfriend and a fiancè to me. You handled me in my worst times. Nakaya mo akong patawarin sa mga panahong nagsisinungaling ako sa 'yo o 'di kaya'y hindi kita sinasamahan.
Nakaya mong i-handle 'yong ugali kong napaka-possessive. Ikaw lang ang babaeng sa tingin kong minahal ako ng ako talaga dahil sa dami ng nagsasabing mahal at gusto nila ako, ni-isa wala namang may totoo roon dahil mukha ko lang ang minahal nila.
Ikaw lang ang babaeng minahal ang buong ako. All my flaws, insecurities, and lacking as a boyfriend, minahal mo lahat 'yon. You just didn't know but I am so insecure with I am with you. Nakikita ko kasing hindi mo napapansin pero maraming nagkakagusto sa 'yo.
Maraming may gustong makuha ka, isa pa nga roon si Jeiro rati kung hindi lang na-inlove sa pinsan mo, magkaribal kami sa 'yo. Hindi mo lang kasi nararamdaman ang mga nagkakagusto sa 'yo sa plaigid dahil your whole attention is on me and I am so thankful to that.
Sometimes, I am successful in throwing away my insecurities kasi nakikita ko naman na mahal na mahal mo 'ko pero minsan hindi ko lang talaga mapigilan, ano ba naman kasi ang meron ako? Mukha lang ang panlaban ko kapag nagkataon na may sumubok umagaw sa 'yo. Wala akong maipalalabas na kakayahan dahil ang alam ko lang naman ay maglambing, magselos, at paiyakin ka.
Buong buhay ko, akala ko ang mukha ko lang ay sapat na para patiklupin ang lahat ng babae pero no'ng dumating ka, ang paniniwala kong 'yon at ang confidence ko ang tumiklop. Nabaliktad na.
But I don't mind kasi mahal naman kita. Tiniis ko lahat ng insecurities ko, sinubukan kong huwag magselos dahil baka maging dahilan pa ito para iwan mo 'ko lalo pero, walang hiya lumalabas talaga siya. Kusa siyang lumalabas kapag may umaaligid na sa 'yo.
Kaya minsan, nasasaktan kita dahil roon and I am so sorry for that, hon. Sorry dahil lagi na lang kitang nasasaktan sa pagmamahal ko. Buti hindi mo nasabi na, dapat masaya ang pagmamahal at hindi nakakasakal.
Buti hindi mo naisip na nasasakal na kita sa pagmamahal ko. Na nasasakal ka na sa mha pagseselos ko. Buti na lang talaga kasi kung naisip mo 'yon, hindi ko kakayananin. Mamamatay ako, Jeah.
The day we first met, you really caught my attention. Ang cute mo kasi sa glasses mo tapos nag hinhin mo pa. Mukha kang dalagang Pilipina sa henerasyong ito. Mukha kang nag-iisang babae na pinapahalagahan ang sarili at ang pag-aaral kesa sa pagpapaganda.
Kaya nakuha mo talaga agad ang puso ko. I was attracted yes but there's something inside me na parang nagsasabing hindi lang ako attractive sa 'yo and so I tried to ask you for lunch. Pero hindi natuloy.
Pero hindi man natuloy ang lunch na 'yon, natuloy naman ang plano kong alamin kung hulog na ba ako sa 'yo. At nalaman ko ngang hindi lang ako hulog, hulog na hulog.
Ang hirap mong abutin. Ang isang katulad mo kasing anghel ay hindi nababagay sa tulad kong siraulo pero kahit gano'n ay tinanggap ko pa rin ang hamon at gumawa ng paraan para sa 'kin rin ang bagsak mo.
I used Mommy. Yes, hon. I used her. Alam niyang baliw ako sa 'yo at gusto kita kaya naman I told her to convince you na kunware pababantayan ako. I was so guilty for lying and for using a plan against you. Call me selfish and self-centered pero kung hindi ko gagawin 'yon, hindi sa 'kin ang bagsak mo kundi kay Jeiro.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Teen FictionHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...