Kabanata 5

907 32 0
                                    


Pagdating ko sa classroom ko ay as usual bulungan here and there. Pero gaya nga ng sabi ko matagal na akong nawalan ng paki sa kanila.

"I heard she go out with Quiah the last Saturday."

"Really? So totoo ang balita na pinuntahan siya ni Quiah do'n sa library last week?"

Base sa naririnig ko ang pinag-uusapan nila pero hindi naman ako na inform na pati buhay ko sa labas ng school ay pag-uusapan nila. Wala na talaga silang pinapalampas. Pagdating ng teacher namin ay nagturo agad. Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Ma'am kesa sa mag-isip ng iba.

"Who's willing to teach the other section? Because last time it's Miss Acosta," tanong ni Ma'am pagkatapos mag-discuss.

Nagtaas ng kamay ang babaeng isa sa mga nagchichismis sa buhay ko kanina.

"You sure?" paniniguro ni Ma'am sa kaniya.

"Yes, Ma'am. I'm sure," mukhang kinikilig pang sagot niya.

"Okay. Do the assignment I gave you," pagkatapos ay lumabas na si Ma'am at sumunod naman agad ang babae.

Wow! Mukhang iba ang pakay no'n. Sana lang maging maayos ang resulta. Wala pa kaming klase sa susunod na oras kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Gina. Binigay ko kasi sa kaniya ang lumang cellphone ko dati para matawagan ko siya. Mabilis naman niyang sinagot ang tawag.

"Hello, Ate Jeah," sabay-sabay na bungad nila.

"Hi, babies." Ngiti ko kahit 'di nila ako nakikita.

"Ate Jeah, ginagawa po namin ang binigay niyong assignment. Nandito lang po kami sa loob ng bahay," update agad ni Gina.

"Mabuti naman. 'Wag kayong lalabas, ah? Sige na kailangan ko na 'tong ibaba at mag-aaral pa ako. Bye," paalam ko.

"Bye po, Ate Jeah."

"Bye. Pagbutihin ang pag gawa ng assignment, my babies," huling sinabi ko bago pinatay ang tawag.

Ngayon ko lang din napansin na nakatingin sa 'kin ang iba kong kaklase. Ano na naman kayang iniisip ng mga 'to?Nagbasa na lang ako ng notebook ko kesa pansinin sila. Nag-aaral ako para kapag may surprise test ay hindi ako zero. Naiinis pa naman ako kapag nakakakuha ako ng maliit na score o zero kasi pakiramdam ko hindi ko ginalingan kahit kaya ko.

"Babies daw? Does she have babies already?"

"Gosh! Is that the reason why she's so manang na? Because she have mga anak na?"

"Maybe. Ang landi naman pala. Kita mo kaka-18 pa lang pero may mga anak na."

Sige mag-isip pa kayo para kapag kumalat 'yan sisikat ako. Napaka-immature talaga. Kung anong naririnig kahit hindi sure ichichismis agad. Hindi bagay sa grade 12 ang nga babaeng 'to. Dapat dito ibinabalik sa kindergarten. Naubos ang oras ko kaka-aral sa notebook ko. Pagdating ng teacher namin ay may kasama siyang lalalaki sa likod niya.

"Gosh! Si Quiah." Tili ng kaklase ko.

Quiah? Quiah ang pangalan ni Mr. Grumpy? Hmm. Hindi na masama.

"Students, this is Mr. Quiah Gailez. He will be handling you for today," anunsiyo ni Ma'am.

Oh. Tulad no'ng ginawa ko sa classroom nila last week. Aba, matalino rin pala ang isang 'to akala ko puro walanghiyaan lang ang alam.

"Introduce yourself, Mr.Gailez."

Tumango siya at pumunta sa harap. Ngumiti siya ng malawak na nagpatili sa mga makakati kong kaklase. Imbis na tingnan siya ay sa notebook ko na lang ako tumingin.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon