Kabanata 52

322 8 0
                                    


Ngayon nandito na nga kami. Sa huling araw. Nahihirapan akong ihakbang ang aking mga paa dahil sa bawat hakbang ko naaalala ko ang kaniyang mga ngiti.

Tumutulo na ang mga luha ko pero wala akong pakialam. Ni hid ko nga magawang maging masaya na narito na si Tita dahil ang kaniyang presensiya ay lalong nagpapawasak sa 'kin.

Paano ko ba ito tatanggapin? Paano ko ba matatanggap? Paano ko tatanggapin ang taong nang-aasar at nagpapatawa sa 'kin ay wala na.

Malapit na ako sa kaniya nang maalala ko na naman ang kaniyang kabaliwan rati tungkol sa pagtatanggol kay Quiah at sa pagsusulsol niya sa mga bata.

"Couzie, sigurado ka bang nagsisinungaling tong si Mr. Grumpy?" paniniguro niya.

"Oo, bakit?"

"Eh, kasi ang nakalagay na oras dito na tinext niya 'to ay 11:38 pa."

"Ano naman ngayon? Naghintay akong mahigit kalahating oras sa kaniya." Pinagdiinan ko pa ang kalahating oras.

"Bruha ka ba? 11: 38 niya 'to tinext kaya ibig sabihin hindi niya gustong maghintay ka kasi 12 noon pa ang usapan niyo at 11:38 pa niya 'to tinext. So, maaaring totoo na may sakit nga siya." Irap niya sa 'kin.

"Pero sabi ni Jeiro na may kasama raw na iba si Mr.Grumpy kaninang lunch," kunot-noong sagot ko.

"At naniniwala ka kay Jeiro?" Pinanliitan niya ako ng mata kaya napaiwas ako ng tingin.

"Bakit hindi? Mabait naman siya  at saa kung papipiliin ako mas gusto kong maniwala kay Jeiro kesa kay Mr. Grumpy," rason ko na lang.

"Everyone can lie, Couzie."

" Ano ba talaga punto mo, Couzie? Kasi seryoso naguguluhan ako sa 'yo. Wala naman na sa 'kin kung 'di niya ako sinipot."

"Ang sa 'kin lang eh baka totoo na may sakit siya habang ikaw, iba ang alam tungkol sa hindi niya pag sipot." Umupo siya ng maayo sa kama habang nagpapatuloy sa pagsasalita. "Ikaw rin, baka siya na pala ang 'tamang tao' para sa 'yo pero mas naniniwala ka sa chismis."

"Ate Jehanee, may nobyo ka po ba?" tanong ni Gina.

"Wala pa pero malapit na. Nararamdaman kong malapit na talaga." Ngisi niya.

"Eh, ikaw po ate Jeah? May nobyo ka po b----"

"Ay nako, Gina, 'yang si ate Jeah mo wala 'yang nobyo kasi magkakaroon na sana kaya lang ayaw niyang paniwalaan, eh. Mas naniniwala siya sa iba." Irap niya sa 'kin.

Sinamaan ko ng tingin si Jehanee. Pati bata dinadamay sa kalokohan.

"Ay bakit ganoon ka po, Ate Jeah? Alam niyo po bang bad ang basta-basta na lang maniwala sa sinasabi ng iba?" inosenteng tanong ni Aleah.

"Alam ni Ate 'yon mga bata kaya lang iba ang sitwasyon ni Ate at noong boy, eh" pagpapaintinndi ko.

"Sus, palusot! Hindi iba ang sitwasyon nila kids, talagang napaka mapride ng Ate Jeah ninyo at ayaw alamin kung totoo bang may sakit ang kuya niyo," singit naman ni Jehanee.

"Jehanee..." Tawag ko na nagbabanta.

"Ate Jeah, paano po kung totoong may sakit si Kuya, edi hindi niyo po siya naalagaan dahil sa pride ninyo," komento ni Gina.

The Nerd's Heart Breaking DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon