Panay ang ngisi ng pinsan ko habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari sa hospital. Lahat lahat ng napag-usapan namin ni Quiah at nung Mommy niya.
"Is that mean, magiging baby sitter ka ng lalaking may gusto sayo?" Ngisi niya.
Mabuti na lang talaga tulog na ang mga bata kundi pagtutulungan na naman nila ako ngayon. Pangangaralan na akala mo may alam sa pag-ibig. Magbibigay ng opinyon na akala mo ang sama-sama kong tao.
"Parang gano'n na nga," kibit balikat na sagot ko ko na lang.
"Interesting." Ngisi pa rin niya.
Inirapan ko na lang siya kaya natawa siya. Ininom niya ang juice sa harap niya habang nakatitig sa mukha ko. Naasiwa ako kaya binato ko siya ng unan na nasa likod ko.
"What?" Tawa niya.
"'Wag mo 'kong tingnan na parang magkakajowa na ako dahil malabo 'yan," singhal ko.
"It's not blur, Couzie," biro niya at humalakhak. "I already can see you and Mr. Grumpy. Wew! Kinikilig ako kahit wala pa."
"Ewan ko sa 'yo. Una na akong umakyat," paalam ko.
Tumayo na ako at dala ang libro ay nauna akong umakyat sa kwarto ko. Humiga ako sa kama kasi tapos naman na akong maligo at mag toothbrush. Kinuha ko ang cellphone ko na saktong tumunog. Nakita ko kaagad ang name na ibinigay sa kaniya sa screen.
Mr. Grumpy calling.....
"Oh?" ani ko pagkasagot ng tawag.
"Can't sleep." Tawa niya.
Kaya tumawag kasi hindi makatulog. Napag-usapan na namin kasi 'to kanina na tatawag siya kapag 'di siya makatulog. Para hindi siya ma bore. At mukhang dumating na ng ang oras na 'yon.
"Uuwi ka na ba bukas?" tanong ko na lang.
"Yes, hon. So tomorrow after class I will be fetching you since absent ako dahil pagpapahingahin daw muna ako ng doctor," medyo paos na aniya.
"Pagpapahingahin ka naman pala, bakit mo pa ako susunduin?" kunot noong tanong ko kahit 'di niya ako nakikita.
Pumasok si Jehanee sa kwarto na may dalang chocolates at bulaklak. Ngumisi siya at itinaas para mas lalong ipakita sa 'kin. Inirapan ko siya at nakinig na lang kay Quiah. Galing siguro 'yan sa manliligaw o 'yong crush niya.
"But I want to be with you. So please just let me, okay?"
Ako ang nahihirapan kay Quiah, e. Hindi pa nga gumagaling ng tuluyan, mag lalakwatsa na naman. Hay. Iba talaga kapag takot mamatay. Napabuntong hininga na lang ako at mukhang wala na talaga akong magagawa.
"Fine. Pero pagkatapos mo 'kong ihatid uuwi ka kaagad, a? Pero pwede naman kasing 'wag na Quiah, e. Nandyan naman si Jehanee----"
"You already said yes, hon." Halata ang ngiti sa boses niya.
Napangiti na lang rin tuloy ako. Tama nga ang Mommy niya. Napaka kulit niya. Ayaw talaga tumanggap ng ayoko o pagtanggi man lang.
"Alright," payag ko.
As if I have other choice, right?
"Yey! By the way, dumating na ba ang pina-deliver ko?"
Kumunot ang noo ko sa narinig. Wala namang dunating na delivery, a?
"Anong ipina-deliver?"
"The flowers and chocolates."
Nanlaki ang mata ko at dahan-dahang tiningnan si Jehanee at ang bitbit niya. So kay Quiah galing 'yan? Akala ko sa crush niya. Sinamaan ko ng tingin si Jehanee pero tinawanan lang niya ako kaya natawa rin ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Heart Breaking Dream
Ficção AdolescenteHe was fine and popular. She was nerdy and miserable. He saved her from the cruel high school life, yet died in the hospital. She woke up the next day thinking that it was just a dream. Not until she met him for real. In the second time around, wil...